LGU ng Real, Quezon Province, namigay ng sako-sakong bigas sa bawat pamilya bilang ayuda

  • Trending sa social media ang natanggap na ayuda ng mga taga-Real, Quezon
  • Imbes kasi na kilong bigas lang, isang sako ang dumating sa bawat residente roon
  • Napa-sana all naman ang maraming netizens sa bonggang ayudang ipinamigay ng LGU

Extended pa ng 15 araw ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang Rehiyon IV-A o ang CALABARZON. Mataas pa rin ang kaso ng C0VID-19 sa rehiyon na nasa lagpas isang libo na habang isinusulat ang balitang ito.

Dahil dito, mas maraming ayuda ang kailangan ng mga mamamayan. Agad namang tinugunan ito ng local government unit (LGU) ng Real, Quezon. Trending sa social media ang ayudang natanggap ng mga residente roon na sapat para sa kabuuan ng ECQ.

Larawan mula sa Facebook post ni James Son Meraña

Ibinida ng netizen na si James Son Meraña sa kanyang Facebook post ang natanggap na relief goods ng mga taga-Real. Kung sa ibang panig ng bansa ay kilo-kilong bigas lang ang ayuda, sa nasabing bayan ay sako-sakong bigas ang natanggap ng bawat bahay.

Katulad ng nakagawiang paraan ng pagbibigay ng ayuda, naglabas din ng mga upuan ang bawat residente upang maipatupad ang social distancing. Pero kung sa iba ay sapat ang upuan para sa ayuda, ang sa Real naman ay naukupa agad ng isang sakong bigas ang mga upuang inilibas ng mga residente.

Dahil dito, maraming netizens ang napa-sana all na lang sa bigas na natanggap ng mga taga-Real. Ayon sa mga nagkomento, mapalad raw ang mga residente na makatanggap ng isang sakong bigas dahil madali na raw diskartehan ang ulam, ang mahalaga ay mayroong bigas na isasaing at ligtas na sa pagkagut0m ang mga pamilya.

Agad ring nag-trending sa social media ang post na ito. Bagaman 600 lang ang nakuhang reactions, aabot naman na sa 4,000 ang shares nito dahil maraming netizens ang nais ipaabot sa kanilang mga lider kung gaano kahalagang makatanggap ng isang sakong bigas.

Larawan mula sa PNA

Hinangaan din ng netizens ang LGU ng Real dahil hindi na kinailangan pa ng mga residente na pumila para sa ayuda. Kahit may kabigatan ang sako-sakong bigas, nag-effort daw talaga ang pamunuang lokal na makapagbigay ng sapat na tulong sa mga residente.

“Sosyal! Bongga ang pabigas at talagang di na pumipilia ang mga tao. Keep safe, God bless!” pahayag ng isang nagkomento.

Loading…