Libo-libong residente sa Kenya nagtulakan dahil sa relief goods sa gitna ng COVID-19 lockdown

  • Libo-libong residente sa Kenya nagtulakan dahil sa food packs
  • Isang concerned citizen ang namahagi ng food packs sa piling residente, subalit dumagsa ang napakaraming residente mula sa isang slum sa Nairobi
  • Marami ang bumabatikos sa kanilang gobyerno na tila wala raw malinaw na plano kung paano pakakainin ang milyun-milyong mamamayan

Desperado na ang maraming mamamayan ng Kenya na nakararanas na ng gutom dahil hindi na makapaghanapbuhay sanhi ng ipinatutupad na mga restriksyon kaugnay ng novel coronavirus pandemic.

Screenshot mula sa video ng Africa News

Kamakailan lang, napakaraming residente ang nagpumilit na makapasok sa gate ng isang malaking compound kung saan may nagbibigay ng food packs para sa mga piling residente. Nauwi sa tulakan ang pagsugod ng mga tao sa compound.

Inakala ng mga residente ng Kibera, ang pinakamalaking slum sa Kenya, na ang mga food packs na ipinamamahagi ay mula sa opposition leader na si Raila Odinga, ngunit ayon sa isang saksi, ang mga pagkain ay mula sa isang concerned citizen na namudmod ng mga food stubs sa piling residente.

Ang mga may ipapakitang food stubs lang ang binibigyan ng food packs.

Ayon sa saksing si Richard Agutu Kongo, nang makita ng mga residente ng Kibera na nagsimula na ang pamamahagi ng pagkain ay sumugod na ang mga ito kaya nagkaroon ng tulakan.

Aniya, hindi na nasunod ang social distancing na one meter apart.

Marami ang nasaktan sa pangyayari. Kinailangan pang maghagis ng tear gas ang mga pulis upang mapigilan ang pagtutulakan.

Screenshot mula sa video ng Africa News

Ang naturang insidente ay sumasalamin sa pangamba ng milyun-milyong mamamayan sa Africa kung saan halos 20 bansa ang nagpatupad ng total lockdown. Ang malaking bahagi ng populasyon ng mga informal workers na walang savings ay hindi alam kung saan kukuha ng susunod nilang kakainin. Hindi nila alam kung kailan matatapos ang ipinatutupad na mga restriksyon.

Ayon sa isang Kenyan, bago mag-lockdown ay kumikita siya ng katumbas ng $10, pero ngayon ay hirap na siyang kumita ng $5.

“It’s becoming hard to ensure my family gets three meals a day. Yesterday they missed breakfast,” aniya.

Marami na ang bumabatikos sa kanilang gobyerno na tila wala raw malinaw na  plano kung paano pakakainin ang milyun-milyong mamamayan.

Screenshot mula sa video ng Africa News

 

Source :

Katu, Africa News

Loading…