Look-alike ng vocalist twins ng bandang Ben&Ben, kinaaliwan sa socmed

  • Patok sa social media ang video ng kambal na kamukha ng mga bokalista ng bandang Ben&Ben
  • Marami ang naaliw sa transformation ng dalawa sa kanilang TikTok video
  • Agad naman itong nag-viral at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens

Agaw-pansin sa social media ang video ng kambal na kahawig ng mga bokalista ng bandang Ben&Ben.

Imahe mula sa TikTok video ni @llamaeryl

Sa Tiktok video na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Lhaissa Marie Monton sa Facebook noong March 31, mapapanood ang panggagaya ng babaeng kambal sa kambal ring bokalista ng kilalang indie folk-pop band ngayon na Ben&Ben.

“Hahaha! Hoy tawang-tawa ako. Sorry,” natatawang sabi ni Lhaissa sa caption.

Tinutukoy nito ang nakaaaliw na transformation ng dalawa mula sa simula ng Tiktok video hanggang sa makapagpalit na sila na katulad ng porma ng vocalist twin brothers.

Makikita pa ang pagli-lip sync ng isa sa background song na “Pagtingin” na pinasakit din ng nasabing banda, habang hawak naman kapatid nito ang gitara.

Kinilala ang orihinal na uploader ng video sa TikTok sa username nitong si @llamaeryl. Samantala, kinilala naman ang isa sa  kambal sa pangalang nitong Yama Samonte sa Facebook.

Agad namang nag-viral ang video sa Facebook at ni-repost na rin ng iba’t-ibang Facebook page at indibiduwal.

Sa post pa lamang ni Lhaissa, umani na agad ang video nang halos 250,000 views at higit 27,000 reactions isang araw matapos itong ma-upload sa Facebook.

https://www.facebook.com/lhaissamarie/videos/3277667272263129/

Pawang positibong reaksyon din ang karamihan sa natanggap nito mula sa netizens.

“Okay ‘to! Hahaha!” natatawang sabi ni JR.

“Hahaha. Ang cute,” pahayag naman ni PC matapos mapanood ang video ng kambal.

“Yung idol mo nag-ti-TikTok na rin. Hahaha,” sabi naman ni AAG sa comment section matapos i-tag ang pangalan ng kaibigan.

Source :

Facebook

Loading…