Lottery bettor dalawang beses nanalo ng $1 million prize sa loob ng isang araw

  • Maswerteng lottery bettor dalawang beses tumama ng $1 million prize sa loob ng isang araw
  • Tumaya si Joe B sa 7 Eleven umaga noong March 25 at tumaya ulit sa Loaf N’ Jug convenience store kinahapunan
  • Parehong kumbinasyon ng mga numero ang tinayaan ng lucky winner

Isang lalaki sa Colorado, United States of America ang masuwerteng dalawang beses na nanalo ng $1 million prize sa lottery sa loob lang ng isang araw; gamit ang magkaparehong numero.

Imahe mula sa Colorado Lottery

Ayon sa Colorado Lottery, ang lalaki na tinawag lang na “Joe B” ay residente ng Pueblo, Colorado at tumaya siya noong March 25, 2020 at nito lang nakaraang Lunes, ika-27 ng Abril, niya kinolekta ang premyong napanalunan.

Ipinost ng lottery agency sa Facebook ang larawan ni Joe B hawak ang dalawang $1 million checks.

“Congratulations to “Joe B” from Pueblo! Back on March 25, he won two $1 million Powerball prizes and he finally came in to claim them today,” bati ng Colorado Lottery sa lottery winner.

Si “Joe B” ay may inaalagaang sariling mga numero kapag tumataya, pero gumagamit din siya ng “quick pick” option kung saan ang lottery machine ang random na pumipili ng kombinasyon ng mga numero.

Noong umaga ng March 25, bumili si Joe B ng Powerball ticket sa 7-Eleven convenience store at bumili ulit ng ticket bago mag-alas sais ng gabi sa Loaf N’ Jug convenience store.

Imahe mula sa Colorado Lottery

Kinuha ni Joe B ang kanyang premyo sa isang drive-thru claims office na ginagamit ngayon ng Colorado Lottery dahil sa coronavirus disease pandemic. Bago makuha ang premyo, kailangan munang kumuha ng appointment ang winner.

Nang tanungin umano ng staff ng Colorado Lottery drive-thru claims office si Joe B kung ano ang gagawin nilang mag-asawa sa napanalunang premyo, sumagot siya ng “the Boss has plans for it.”

Imahe mula sa Colorado Lottery

Loading…