Love letter ba ‘ka mo? Netizen nakatanggap ng napakahabang liham mula sa kaniyang BF

  • Ibinida ng isang netizen ang love letter na kaniyang natanggap mula sa kaniyang kasintahan
  • Sa post ni Regine, makikita ang napakahabang liham na ibinagay sa kaniya ng kaniyang boyfriend
  • Agad namang nagviral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Isa ka ba sa mga nakararamdam ng kakaibang saya sa tuwing nakatatanggap ka ng love letter mula sa taong iyong minamahal?

Imahe mula sa Pixabay

Kasabay ng pagyakap natin sa modernong panahaon ay ang bahagyang pagkalimot ng iba sa pagsusulat ng liham para sa taong itinuturing nilang espesyal. Napalitan na kasi ito ng chat at text gamit ang mga kilalang messaging applications sa ating mga cellphone.

Sa Facebook naman noong April 8, ibinida ng isang dalaga ang love letter na kaniyang natanggap mula sa kaniyang kasintahan.

Sa post ng netizen na kinilalang si Regine, makikita ang napakahabang mensahe ng kaniyang boyfriend para sa taong kaniyang minamahal.

“Love letters are better than expensive gifts. Me: Thank you Jowa. Hahaha,” sabi nito sa caption ng kaniyang post.

Idinikit ni Regine ang unahang bahagi ng liham sa likod ng kanilang pintuan. Sa sobrang haba nito, kapansin-pansin na umabot na sa sahig ang ilang bahagi ng mensahe mula sa kaniyang kasintahan.

Agad namang nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Sa katunayan, umani ang larawan ni Regine nang higit 22,000 reactions at mayroon na rin itong lagpas 51,000 shares sa Facebook.

Imahe mula kay Regine | Facebook

“Akala ko pa naman ako na ang pinakamatinik pagdating sa mga love letters,” pabirong sabi ni JR sa comment section ng orihinal na post.

“Kapg ako binigyan niyan hindi ko babasahin. Katamad magbasa. Few words to express your love is better than a thousand words that is full of lie,” pahayag ni YC.

“Tapos maghihiwalay din sa huli. Hahaha! Kami ng jowa ko wala kaming ganiyan pero mag5 years na kami. Hahaha,” sabi ni ADLS.

“Kasi nga naiisulat nila totoo nilang nararamdaman,” pagtatanggol naman ni JKSM.

Source :

Facebook

Loading…