Lucy Torres, ‘fresh’ wedding video ang regalo kay Richard Gomez sa ika-22 taon ng kanilang kasal

  • Simple ngunit makahulugan ang regalo ni Lucy Torres sa kaniyang mister na si Richard Gomez sa ika-22 taong anibersaryo ng kanilang kasal
  • Mula sa mga lumang video clips, nagpagawa si Lucy ng bagong video sa isang sikat na wedding filmmaker
  • Malaki ang pasasalamat ni Lucy sa kaniyang kabiyak na nagbigay sa kaniya ng liwanag at katiwasayan

Sa ika-22 taong anibersaryo ng pag-iisang dibdib nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, isang wedding video clip ang ibinahagi ni Lucy kung saan muli rin niyang sinariwa ang hindi malilimutang araw na iyon.

“I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story,” panimula ni Lucy sa isang Instagram post nito.

Mga imahe mula sa Facebook page ni Rep. Lucy Torres-Gomez

Ikinasal ang dawala noong Abril 28, 1998 at mula noon ay tiniyak ni Richard kay Lucy ang isang magandang kinabukasan na puno ng pagmamahalan.

Binigyang-pugay ni Lucy ang kaniyang mister na nagbigay sa kaniya ng liwanag at katiwasayan.

“Thank you for 22, my Richard Gomez. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in,” dagdag na mensahe ni Lucy.

Sa video clip, makikita ang ilang paghahanda ng dalawa bago humarap sa dambana. Makikita rin kung gaano inabangan at tinilian ng mga fans si Richard nang sumilip ito sa bintana ng isang gusaling tinutuluyan.

Mahahalata rin kung gaano kinakabahan si Richard sa araw na iyon—ang araw na magwawakas ang kaniyang pagkabinata.

Ang video ay pinagsama-samang raw files na kinunan sa kanilang kasal ni Richard. Upang maging ‘fresh video’ ay nakiusap si Lucy kay Jason Magbanua, kilala sa kaniyang mga wedding films, na gawin ang video na ito na maaaring iregalo kay Richard.

“I so loved his work [Jason Magbanua], and on a whim I asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious,” ayon pa Lucy.

Imahe mula sa Facebook page ni Rep. Lucy Torres-Gomez

Hindi lamang kuwento ng pag-iibigan ang hinahangaan ng publiko sa celebrity couple na kapuwa rin politiko sa lalawigan ng Leyte. Sila ay hinahangaan din sa pagtupad nila sa kani-kanilang tungkulin sa bayan.

Pagbati sa inyong dalawa!

Nagpapatuloy ang kilig! Maaaring mapanood ang video sa ibaba:

 

View this post on Instagram

 

I watch this clip from our wedding and always, it is a beautiful walk down that time in our love story. Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in. Backstory of this video: Some years back I realized I had all these raw files from our wedding festivities, as covered by ABS-CBN back then. Around that time also I had just met Jason Magbanua whose work we featured in The Sweet Life, a show I was hosting then with Wilma Doesnt and Iza Calzado. I so loved his work, and on a whim asked if he could put something together in a fresh video that I could give Richard as an anniversary present. Thank you for this, Jason, this is precious.

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez) on

Source :

Instagram, DF

Loading…