Mabilis ang distribusyon ng cash aid kung may National ID – Pres. Duterte

  • Nagkakaroon ng pagkaantala sa distribusyon ng ayuda dahil sa hindi pagkakatugma ng listahan ng mga beneficiaries ng national government at listahan mula sa mga LGUs
  • Sabi ng Pangulo, isang “game changer” ang national ID kung hindi sana iyon tinutulan ng mga “makakaliwa”
  • Ang Philippine Identification System Act (National ID system) ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noon pang August 2018

Mas mapabibilis ang distribusyon ng emergency subsidy na ipinamamahagi ngayon ng pamahalaan kung mayroon na sanang national ID, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Screenshit mula sa video ng RTVM

Inamin ng Pangulo sa nakaraan niyang televised public address na ang implementasyon ng two-month social amelioration program ay naantala dahil sa ilang isyu, kabilang na ang hindi pagkakatugma ng listahan ng mga benepisyaryo mula sa national government at listahan mula sa local government units (LGUs).

Isa umanong “game changer” ang national ID kung hindi sana iyon tinutulan ng mga “makakaliwa.”

“Nagkakaroon tayo ng problema. Hindi ito perfect kaagad, especially so, na noon pa sinabi namin ‘yung national ID makatulong. Ang problema dito ang proponents na ayaw o the proponents ng “don’t” itong mga left. Kaya kita mo ngayon wala tayong ID system until now,” aniya.

Sabi pa ng Pangulo, kung may ID system tayo ay naiwasan sana ang mga problema sa distribusyon ng mga cash aid.

Nauna nang iminungkahi ni Senator Tito Sotto ang “full blown implementation” ng national ID system upang matugunan ang hindi pagkakatugma ng database ng national government at mga LGUs sa pamamahagi ng ayuda.

Imahe mula sa PIA

Noong buwan ng Pebrero ay nagpahayag din si Senator Imee Marcos hinggil sa kahalagahan ng national ID system.

Sinabi ng senadora mula sa Ilocos Norte na mas madali at mahusay sana ang pagtunton sa mga taong pinaghihinalaang nahawahan ng COVID-19 kung umiiral na ang national ID system sa bansa.

“Ang national ID system ay isang digital information backbone na ginagamit ngayon para habulin ang paglaganap ng COVID-19 sa Wuhan at sa buong China. Tanggapin natin ang kagandahan ng sistemang ito para sa kapakinabangan ng publiko at huwag nang kontrahin para sa pansariling dahilan,” pahayag noon ng senadora.

Ang Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act (National ID system) ay pinirmahan ni Pangulong Duterte noon pang August 2018.

Imahe mula sa PSA

Loading…