Mabuting frontliner: Pizza delivery guy ibinibili ng tinapay ang araw-araw na tip para sa mga taong lansangan

  • Isang pizza delivery guy ang trending ngayon dahil sa kabutihang loob nito
  • Ibinibili niya kasi ng tinapay ang nakukuhang tip mula sa pagde-deliver ng pizza
  • Ilang araw na raw itong ginagawa ng lalaki kaya naman naisipan na siyang tanungin ng may-ari ng panaderya

Malaking paghanga na ang ibinibigay natin sa mga frontliners, kabilang ang mga health workers, grocery at pharmacy clerks, at maging ang mga delivery personnel. Ang kanilang patuloy na pagtatrabaho kahit may banta ng C0VID-19 ay isang kahanga-hangang gawain upang walang patid tayong makakuha ng mga produkto at serbisyong kailangan natin.

Pero ang ilang frontliners, maliban sa kanilang pagtatrabaho para sa bayan, ay nagagawa pa ring tumulong sa mga nangangailangan. Patunay nito ang isang larawang in-upload ng netizen na si Raina Ominga tungkol sa kabutihang loob ng isang pizza delivery guy.

Larawan mula sa Facebook post ni Raina Ominga

Ayon kay Raina, ilang araw na raw pabalik-balik ang lalaki sa kanilang panaderya at bumibili ng marami at iba’t ibang tinapay. Akala ng uploader na napag-utusan lang ang lalaki ng pizza parlor na pinagtatrabahunan niya. Pero sumagot daw ang lalaki na mula sa mga nakukuha niyang tip araw-araw ang ipinambibili niya ng tinapay na ibinibigay naman daw niya sa taong nadaraanan sa lansangan.

“This pizza guy have been buying bulk assorted breads from our bakery for the past few days. So our inner curiosity ends up us asking him kung pinapamigay ba ng Pizza Hut yung breads. Sabi ni Kuya, lahat daw ng nakukuha niyang tip everytime nagdedeliver sya, iniipon niya pambibili niya ng bread. Then pinapamigay niya sa mga taong nakikita niya sa kalsada along the way,”  pahayag ni Raina sa kanyang post.

Naantig at humanga raw si Raina sa sinabi ng lalaki. Ngayong Linggo ng Pagkabuhay ay ipinadala ng Diyos ang lalaking ito upang maging mensahe na laging mayroong pag-asang lumaganap ang kabutihan, anuman ang pagdaanan natin.

Agad namang nag-viral sa social media ang larawan ng napakabuting delivery guy. Habang isinusulat ang istoryang ito, nasa dalawang oras pa lamang nan aka-upload ang larawan ngunit tumabo na ito ng higit 90,000 reactions at 31,000 shares.

Larawan mula sa Facebook post ni Raina Ominga

Marami namang netizens ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa lalaki. Ayon sa kanila, nakatutuwang isipin na kahit na hindi ganoon kalaki ang sahod ng isang delivery guy ay nagagawa pa ring ibahagi ng lalaki ang kanyang biyaya.

Isang malaking patunay daw ang lalaki na walang pinipiling estado sa buhay ang pagtulong sa kapuwa at walang maliit o malaking paraan upang makapagbigay ng kaginhawaan sa mga kababayang nakararanas ng paghihirap.

Loading…