Mag-anak na nakatira sa kariton kinupkop ang isang lolo

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes
  • Hanga ang netizens sa isang pamilya na bagama’t nakatira sa kariton ay hindi nagdalawang-isip na tulungan ang isang matandang nangangalakal
  • Isinakay nila ito sa kanilang kariton at mula noon ay kinupkop na
  • Sabi ng netizens, patunay ito na hindi hadlang ang pagiging mahirap upang makatulong sa kapwa

Kapos man ay hindi nagdalawang-isip ang isang pamilyang nakatira sa kariton na kupkupin ang isang matandang nakita nilang palakad lakad sa daan.

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes

Kuwento ni Mang Genesis sa GMA reporter na si Bernadette Reyes, nakita nila si Lolo Gerry na naglalakad habang may bitbit na mabigat na kalakal kaya nagdesisyon siyang isakay ito sa kanilang kariton.

“Si manong, may dala siyang mga kalakal, siyempre naawa din kami dahil mabigat nga, kaya isinakay na namin siya,” kuwento ni Mang Genesis kay Bernadette.

Naniniwala raw siya na blessing si Lolo Gerry kaya simula noon ay kinupkop na nila ito at kasa-kasama ngayong may umiiral na enhanced community quarantine (ECQ). “Blessing naman ‘yan e. Share yung blessing, ‘di ba? Kaya yun ang ginagawa ko.”

Dahil sa desisyong ito ay hinangaan siya ng netizens na nagsabing madalas, kung sino pa ang wala ay siya pang may pus0ng tumulong sa kapwa. “Kung sino pa ‘yong wala, sila pa ‘yong marunong tumulong. God bless po sa inyo kuya! Keep safe at kapit lang po tayo matatapos din ang krisis na ‘to,” komento ni Jenilyn J.

Imahe mula sa Facebook | Bernadette Reyes

“Buti pa sila, kahit simple lang ang buhay ay nagawa pang mag-ampon. Saludo ako sa’yo kung sino ka man. Bahala na ang Diyos sa iyo,” ani Mirasol C.

Ang ilan naman, sinabing patunay si Mang Genesis na hindi hadlang ang estado sa buhay upang makatulong sa kapwa lalo na sa oras ng kagipitan.

“Sa panahon ngayon, ito yung isa sa mga maituturing nating bayani dahil kung iisipin, sila yung nangangailangan pero isa sila sa nagbibigay ng kamay para sa kapwa,” sabi naman ni Chnna.

Salamat sa kabutihan ng iyong pamilya, Mang Genesis!

Source :

Facebook

Loading…