Mag-asawang COVID-19 heroes, inalala ng kanilang anak

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook
  • Nasa pus0 talaga ng mag-asawang doktor na sina Dennis Ramon Tudtud at Helen Tudtud ang tumulong
  • Sa isang panayam sa KMJS ay ibinahagi ng kanilang anak na ang huling mensahe sa kanila ng ama bago ito pumanaw ay hindi para sa kanila kundi para sa kaniyang pasyente
  • Tatlong araw lamang ang pagitan nang sila ay pumanaw dahil sa COVID-19 kaya naman naniniwala ang kanilang anak na pinanindigan nila ang pangakong ‘til death do us part’

May edad na ang mga magulang ni Dennis Thomas Tudtud II na sina Dr. Dennis Ramon Tudtud, isang oncologist at Dr. Helen Tudtud, isang pathologist. Kaya naman nang magsimulang magtala ng mga kas0 ng COVID-19 sa bansa ay pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag na munang pumunta sa ospital.

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook

“I tell them, ‘You keep on going to the hospital. You’re already senior, ‘di ba?’,” pagbabalik-tanaw ni Dennis Thomas sa isang panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sinasabi naman ng mga ito na huwag siyang mag-alala dahil magsusuot sila ng dobleng mask.

Ngunit hindi ito naging sapat upang maprotektahan sila mula sa virus. Unang nakaranas ng sintomas si Helen. Na-confine siya sa ospital habang ang asawa naman ay nag-home quarantine.

Kuwento pa ni Dennis Thomas, March 21 nang magsimulang manghina ang ina kaya nakiusap ito na ipaalam na sa kaniyang asawa ang kaniyang lagay. Lingid sa kaalaman niya na itinakbo na rin sa ICU ang asawa noon.

“When my dad arrived in the ICU, they were located near each other but not really. They cannot see each other, right? But my dad keeps on asking the nurses, ‘How’s Helen?’” ani Dennis Thomas.

Imahe mula sa video ng KMJS via Facebook

Kahit naka-intubate na ay nakapagpapadala pa rin ng mensahe ang kanilang ama. Humingi ito ng dasal para sa kanilang kaligtasan at paggaling. Ngunit ang huling text message na ipinadala nito ay para sa kaniyang pasyente.

“When he was in ICU, his last text to us was even an order to us to go give a medical order to someone, to a patient. So that’s the last message that he sent us,” aniya.

Nasa pus0 na raw talaga ng mag-asawa ang magsilbi para sa mga nangangailangan. Si Helen ay nagtatrabaho sa isang government hospital habang  si Dennis naman ay nagpatayo ng clinic sa Cagayan de Oro.

“My dad is a very accommodating and friendly doctor. He even gives his personal number to his patients. He even answers patients, even at midnight,” kuwento niya.

Sa kasamaang palad ay bumigay sa laban sa COVID-19 si Helen, at makalipas ang tatlong araw ay sumunod na rin si Dennis. “Til death do them part, ‘yun talaga ‘yun. And even death did not part them. They are actually buried beside each other sa aming burial lot.”

Source :

Facebook

Loading…