Video ng mag-asawang senior na naghahabulan at nagkakatuwaan kinakiligan

Imahe mula sa Facebook | Pauline Pepito-Limbagan
  • Kilig at good vibes ang dala ng video ng mag-asawang senior citizen na naghahabulang tila mga bata
  • Naging inspirasyon ito para sa mga mag-asawa at magkasintahan
  • Nagsilbi rin itong paalala na ingatan ang kalusugan dahil makikita ang dalawa na kapwa maliksi pa kahit maputi na ang buhok

“Pagdating ng araw ang ‘yong buhok ay puputi na rin. Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa ‘tin. Ang nakalipas ay ibabalik natin. Ipapaalala ko sa’yo ang aking pangako na ang pag-ibig ko’y laging sa’yo kahit maputi na ang buhok ko.”

Imahe mula sa Facebook | Pauline Pepito-Limbagan

Sasagi agad sa isip ang sikat na awiting ito kapag napanood ang 21-segundong video ng matandang mag-asawa na kahit kapwa maputi na ang buhok ay tila mga bata pa ring naghahabulan at nagkikilitian.

Ibinahagi ito ni Pauline Pepito-Limbagan sa Facebook kalakip ang caption na “If childishness would make me this happy, then I promise to never lose it.” Tinawag din niya ang mga ito na kaniyang “forever relationship goals.”

Nagdulot ng good vibes para sa mga netizen ang video na ito. Habang isinusulat ito ay may mahigit 29k reactions at 34k shares na ang video nila.

Sabi ni Jane M., habang pinanonood niya ang video ay hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

“Ang sweet nila kahit ang tanda na nila. Hindi nawawala ang love,” komento naman ni Marco C.

Imahe mula sa Facebook | Pauline Pepito-Limbagan

Dahil sa napanood ay sinabi naman ng netizen na si Veronica na ganitong uri ng relasyon ang gusto niya o mananatili siyang single. “Ang cute. It’s either ganiyan or single ako hanggang pagtanda, there is no in between,” aniya.

Naging inspirasyon din ito para sa mga magnobyo at mag-asawa na umaasang hindi rin kukupas ang kanilang pagmamahal sa paglipas ng panahon.

“Hoping and praying that we’ll end up like this. Looking forward to growing old with you in God’s will,” sabi ng netizen na si Judy sa kaniyang partner.

Bukod sa kilig ay naging paalala rin ito na alagaan ang kalusugan lalo na at makikitang kapwa maliksi pa rin ang mag-asawa.

“Let’s reach this age and play like a child again,” sabi ni A. Caba sa kaniyang nobya.

Panoorin dito ang video at makikilig:

Source :

Facebook

Loading…