Magkaibigang mapagbigay, namahagi ng gulay sa mga kapitbahay at kalapit barangay

  • Magkaibigan namahagi ng gulay sa mga kapitbahay at kalapit barangay sa Marikina City
  • Galing Benguet ang mga gulay na ipinamahagi
  • Sinabi ni Jaren Feliciano na sino pa ba ang magtutulungan kung hindi silang magkakapitbahay

Humaharap man tayo ngayon sa pagsubok dulot ng COVID-19, napakasaya namang basahin ang mga kuwento ng mga pamilya at magkakapitbahay na nagtutulungan para iahon ang isa’t-isa.

Image by Jaren Feliciano via Facebook

Magkatuwang na namahagi ng mga gulay ang magkaibigang Jaren Feliciano at Jessica Soriano sa kanilang mga kapitbahay at kalapit na barangay sa Marikina City.

Ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM, galing Benguet ang mga gulay na itinulong ng magkaibigan sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Ani Jaren sa Facebook, paniguradong chopsuey o sopas ang ulam ng kanilang mga kapitbahay dahil sa mga gulay na kanilang ipinamagi.

Dagdag niya, hindi kailangang kumatok ng mga kapitbahay dahil sila na mismo ang magdadala ng tulong.

Sinabi pa nito na sino pa ba ang magtutulungan kung hindi silang magkakapitbahay. Bahagi rin umano ng kanilang family bonding ang tulong-tulong na pagre-repack.

“Sa mga nabigyan ko po, walang anuman po. Sa mga hindi po inabot, alam kong sana all. Pasensya na po. Kapag meron po ulit,” sabi ni Jaren.”

Humakot naman ng papuri sa social media ang ginawa ng magkaibigan. Habang ipino-post ito, ang Facebook update ay mayroon nang higit 1,800 reaksyon at maraming pagbabahagi.

Sabi ng isa, “May God bless you! Sana dumami pa ang katulad mo. Maganda na, may mabuti pang puso.”

Image by Jaren Feliciano via Facebook

Sabi ng iba, “Hinayang ako dito kay Jaren at Montoya, sana nakapasok sa konseho mga ‘to. Madami magagawa para sa kapakanan ng kababaihan.”

Dagdag pang komento, “Maraming salamat Mam Jaren. ‘Di man po ako bahagi sa nabigyan pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sa tulong na inihatid ninyo sa mga nangangailangan. Sana lahat ng tao, Lingkod Bayan man o hindi, nasa posisyon man o wala, ay maisip nilang tumulong lalo na sa ganitong mga pagkakataon.”

Mabuhay po kayo, Jaren at Jessica, at nawa ay pamarisan po kayo ng iba!

Image by Jaren Feliciano via Facebook

Loading…