Magkasintahan, nag-prenup shoot sa pamamagitan ng video call

Imahe mula sa Facebook | Luminara Photo
  • Sinasalamin ng prenup shoot ng magkasintahan ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) ngayon
  • Sa pamamagitan ng video call ay nakuhanan sila ng prenup photos ni Carlo Pilongo ng Luminara Photo
  • Nagpasalamat ang magkasintahan sa photographer dahil nakatulong ang shoot upang maialis muna ang kanilang atensyon sa mga negatibong pangyayari

Sa loob ng 11 taon na relasyon ng magkasintahang sina Bryan Labing at Pink Zamora ay hindi na rin mabilang kung ilang beses na silang nag-usap sa pamamagitan ng video call, lalo na at nasa long distance relationship sila ngayon.

Imahe mula sa Facebook | Luminara Photo

Sa isang ulat sa Preview ay sinabi nilang si Bryan ay nagtatrabaho bilang architect sa Singapore habang si Pink naman ay nananatili sa Pilipinas.

Kaya naman game na game nilang isinagawa ang quarantine photoshoot na konsepto ng photographer na si Carlo Pilongo ng Luminara Photo.

Kuwento ni Bryan, bilang paghahanda sa shoot ay kinailangan lamang nila ng Internet connection, Zoom, at itim na damit.

“The instructions were given on the spot via Zoom video call. We only had an hour to finish everything. I guess it could have been faster if not for the erratic Internet connection but I believe it was pulled off,”  kuwento niya sa Preview.

I-click ang larawan para makita ang buong album

“Our natural reaction somehow added authenticity to the photos. Mukha talagang nagvi-video call lang! Kudos to Carlo for his patience.”

Aniya, ang ginawang ito ay nakatulong upang magamit nila nang wasto ang oras nila habang may umiiral na enhanced community quarantine.

“We do not want to be consumed with all the negativity because of the pandemic and instead decided to focus on what we can accomplish despite the lockdown,” dagdag niya pa.

Ang naging produkto ng shoot, hindi lamang sumasalamin sa kanilang LDR kundi maging sa pandemya na kinahaharap ngayon ng iba’t ibang bansa.

Kudos, Carlo! Congratulations, Bryan at Pink!

 

Source :

Facebook, Preview

Loading…