Maintenance meds ng mga senior citizen sa Navotas, ipadadala sa kanilang bahay

Imahe mula sa Facebook | Toby Tiangco
  • Upang hindi na kailanganin pang lumabas ng mga senior citizen ay namahagi ang Navotas LGU ng maintenance medicine para sa kanila
  • Ito raw ay upang mapanatili ang kanilang kalusugan dahil sa ulat ng mga eksperto na isa sila sa pinaka-at risk sa COVID-19
  • Ilan sa mga ipinamimigay na gamot ay para sa hypertension at diabetes kagaya na lamang ng losartan, simvastatin, metformin, at amlodipine

Bagama’t umiiral na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon ay hindi maiwasan ng ilan na lumabas upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan kagaya na lamang ng mga pagkain at gamot. Kaya naman maging mga senior citizen na sinasabing isa sa mga pinaka-at risk sa COVID-19 ay kinakailangang lumabas para bumili ng maintenance medicine.

Imahe mula sa Facebook | Toby Tiangco

Ito ang nais na maiwasan ng Navotas City local government unit kaya naman naisipan nila na maglunsad  ng “Maintenance mo, Deliver Ko.”

“Gusto natin na manatili sa bahay ang ating mga nakatatanda at hindi na sila lalabas para sa kanilang maintenance,” ayon sa opisyal na pahina ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.

“Ayon sa mga eksperto, madali silang mahawaan ng COVID-19 kaya importante na manatili silang ligtas at malusog.”

Pinangunahan na ng kanilang City Health Office ang pamamahagi ng mga maintenance sa tulong ng barangay health workers. Ilan sa mga ipinamimigay na gamot ay para sa hypertension at diabetes kagaya ng losartan, simvastatin, metformin, at amlodipine.

Imahe mula sa Facebook | Toby Tiangco

May 13 kumpirmadong kaso na ng COVID-19 sa Navotas. Sampu rito ang naka-admit o naka-home quarantine habang tatlo naman ang pumanaw na. May 72 persons under investigation at 118 persons under monitoring din sila, ayon sa pinakabagong ulat na inilabas sa kanilang pahina.

Inextend ang pagpapatupad ng ECQ sa buong Luzon hanggang sa katapusan ng Abril upang matiyak na hindi na kakalat pa ang virus. May mahigit 4,000 kas0 na nito sa bansa.

Source :

Facebook

Loading…