Maparaan! Pagpapanatili ng social distancing kahit naka-motorsiklo, kinaaliwan sa socmed

  • Kinaaliwan sa social media ang paraan ng ilang mga motorista upang mapanatili ang social distancing kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine
  • Sa post ni Sansei Cervantes Salcedo, makikita ang isang ginang na angkas ng isang motorsiklo nang may sapat na distansiya sa driver
  • Halata namang ikinagulat ng isa sa mga sundal0ng nagbabantay sa kalsada ang kakaibang solusyon ng mga motorista para mapanatili ang social distancing

Agaw-eksena sa social media ang larawan ng ilang mga motorista na nakuhang panatilihin ang social distancing alinsunod sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Imahe mula kay Sansei Cervantes Salcedo | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Sansei Cervantes Salcedo sa Facebook noong April 22, makikita ang larawan ng isang ginang na umangkas sa motorsiklo habang may sapat na distansiya mula sa drayber nito.

Naging posible ang pag-angkas ng babae matapos nilang magkabit ng tila “side car” na nakapuwesto sa likuran ng driver.

Kapansin-pansin din sa larawan na mayroong dalawang gulong ang side car para mas mapadali ang paghila rito gamit ang motorsiklo. Nakatali naman nang mahigpit ang upuan sa platform para masiguro na hindi mahuhulog ang sino mang sasakay.

“Hanggang tingin ka na lang, Sir. Hahaha,” biro ni Sansei sa kaniyang Facebook post.

Halata kasi sa litrato na ikinagulat rin ng isa sa mga sundal0ng nagbabantay sa kalsada ang kakaibang solusyon ng mga motorista para magamit ang kanilang sasakyan nang hindi sumusuway sa social distancing na ipinatutupad ng mga awt0ridad.

Agad namang nag-viral ang larawan at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.

“Walang violation ‘yan. Naka-mask tapos may social distancing rin,” ani NEAA.

Imahe mula kay Sansei Cervantes Salcedo | Facebook

“Kung ikaw ‘yung bantay magagalit ka na matutuwa. Galing ng Pinoy,” natatawang sabi ni RAI sa comment section ng post.

“I-check kung may quarantine pass din ung driver,” mungkahi naman ni IM.

Sa kasalukuyan ay umani na ang post nang higit 18,000 reactions habang mayroon naman itong lagpas 76,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…