Market vendors sa Baguio nag-aagawan sa paghuli ng daga dahil sa P20k prize sa rat-catching challenge

  • Rat-catching challenge inilunsad sa Baguio City Public Market
  • Layon ng challenge na matugunan ang isyu ng sanitasyon sa public market
  • P20,000 ang premyo sa makahuhuli ng pinakamaraming daga at P10,000 naman ang second place

Halos 700 na daga na ang nahuhuli ng mga vendors sa Baguio City Public Market simula nang ilunsad ni Mayor Benjamin Magalong ang rat-catching challenge bilang isang hakbang para tugunan ang isyu ng sanitasyon sa pampublikong pamilihan.

Imahe mula sa Baguio City PIO

Ang primary concern ng city government, ayon sa alkalde, ay ang mga maruruming daga sa wet market na posibleng magdala ng sakit,  na naglalabasan lalo na kapag gabi. Kailangan daw agad itong masolusyunan. Isa ang rat-catching challenge na paraang naisip ng lokal na pamahalaan.

Bukas ang paligsahan sa lahat ng market vendors. Ang may pinakamaraming mahuhuling daga ay magwawagi ng premyong P20,000 at ang second prize ay P10,000.

Sa unang araw pa lang ng paglulunsad ng challenge noong Ika-1 ng Abril ay 133 na daga ang nahuli sa pamamagitan ng mga mouse trap. Hindi umano gumagamit ng nakalalasong pain ang mga kalahok.

Ang mga dagang mahuhuli ay kailangang sa palengke manggagaling at hindi sa mga residential areas, sabi ni Fernando Ragma, Jr., ang city market supervisor.

Imahe mula sa Baguio City PIO

“The vendors are very cooperative and it seems they are enjoying the competition. We also reminded vendors to also exercise precautionary measures for their safety and health,” sabi pa ni Ragma.

Pinayagan ng city government na magbukas ang mga tindahan na nagtitinda ng mouse trap upang maraming vendors ang makasali sa challenge na tatagal ng hanggang isang buwan.

Ayon sa mga vendors, masaya sila sa malaking premyong naghihintay sa mananalo, subalit ang talagang prayoridad nila ay ang kalinisan ng palengke at kapaligiran.

Imahe mula sa Baguio City PIO

Loading…