Marvin Agustin sa mga kaanak ng frontliners: ‘Kumustahin ninyo sila’

Imahe mula sa Instagram at Twitter | Marvin Agustin
  • Nanawagan si Marvin Agustin sa mga kamag-anak ng frontliners na kumustahan ang mga ito dahil hindi biro ang kanilang pinagdaraanan
  • Ito ay matapos niyang ibahagi ang saloobin ng kaniyang kapatid na nagtatrabaho bilang nurse sa Canada
  • Hiling ni Marvin, sana ay manatili na lamang sa loob ng bahay upang hindi na madagdagan ang bigat ng loob na nararamdaman ng frontliners

Pinaalalahanan ng aktor na si Marvin Agustin ang mga mamamayan na kumustahan ang mga kamag-anak na nagtatrabaho bilang frontliners.

Imahe mula sa Twitter | Marvin Agustin

Ito ay matapos niyang ibahagi ang screenshot ng mensahe ng kaniyang kapatid na nagtatrabaho bilang nurse sa Canada.

“I checked on my sister. She’s a nurse in Canada. ‘Yan ang text back niya. Hirap na hirap sila, first world pa yun,” sabi ni Marvin sa isang tweet.

“Lalo na mga kababayan natin dito. Mahalin at kumustahin ninyo mga kamag-anak ninyo lalo na kung nasa health o medical industry sila. Palakasin ninyo ang loob nila.”

Ayon sa kaniyang kapatid, lagi siyang pagod at mas lalong bumaba ang morale nila sa trabaho. Dagdag pa niya, madalas ay umiiyak siya bago pumasok. “But as soon as I get to work, mukhang okay lang ako,” pag-amin niya.

Nabalitaan din niyang isang Pilipino na nasa 40s ang hindi pinalad roon dahil sa COVID-19. Naka-self isolate daw ito sa itaas ng kanilang bahay at mino-monitor lamang ng medical staff sa pamamagitan ng kaniyang asawa.

Imahe mula sa Twitter | Marvin Agustin

“When he did not respond to his wife’s text message on Sunday, he was found unconscious on bed… He left a wife and a four-year-old child. Three years pa ang sila dito sa Canada,” dagdag pa niya.

Inamin din niyang dahil sa pandemic na ito ay napapaisip siya. “This pandemic is making me really think hard. I won’t quit work now. I don’t know if I will but I would definitely make changes when the right time comes.”

Panawagan ni Marvin, sana raw ay huwag nang dagdagan ang bigat ng loob na nararamdaman ng frontliners at manatili na lamang sa loob ng bahay.

“Grabe dusa at sakripisyo nila. Grabe ang panganib sa buhay nila. Gusto na nilang sumuko pero hindi nila gagawin para sa atin. Sa mga kayang manatili sa bahay, PLEASE STAY HOME,” pakiusap ng aktor.

Source :

Twitter

Loading…