Matapos gumawa ng Money Heist-inspired PPEs, designer gumawa naman ng PPE base sa mga kulay ng PH flag

  • Hinangaan dahil sa pagiging malikhain ang isang designer mula sa Iloilo City na kinilalang si Ram Silva
  • Matapos mag-viral ang kaniyang Money Heist-inspired PPEs, gumawa naman siya ng protective suits ayon sa mga kulay na mayroon sa watawat ng Pilipinas
  • Ayon sa designer, paraan niya ito upang magbigay-pugay sa mga frontliners na nagsasakripisyo para sa mga kababayan

Patuloy na ipinamamalas ng isang designer mula sa Iloilo City ang kaniyang pagiging malikhain matapos gumawa ng iba’t ibang uri at tema ng mga protective suits para sa mga medical health workers.

Imahe mula kay Ram Silva | Facebook

Kinilala ang designer bilang si Ram Silva na nagmula sa Iloilo City.

Matapos mag-viral ang mga gawang protective suits ni Ram na hango ang tema sa Netflix series na Money Heist, lumikha naman siya ng mga panibagong PPE na ayon sa mga kulay na mayroon sa watawat ng Pilipinas.

“The Philippine national flag has a rectangular design that consists of a white equilateral triangle, symbolizing liberty, equality and fraternity; a horizontal blue stripe for peace, truth, and justice; and a horizontal red stripe for patriotism and valor,” sabi nito sa kaniyang Facebook post noong April 11.

Ayon kay Ram, ginawa niya ito upang kilalanin ang kabayanihan ng mga medical health workers na kabilang sa mga itinuturing na frontliners ngayon.

Ito rin umano ang paraan niya upang magbigay-pugay sa mga namalaan na health workers sa gitna ng laban kontra C0VID-19.

Sa ulat ng ABS-CBN, ipinamahagi ni Ram ang mga Philippine flag-inspired protective suits sa mga nangangailangan ospital sa Iloilo City.

Aminado naman ang designer na nag-aalala rin ang kaniyang pamilya para sa kaniyang sariling kaligtasan. Personal kasi niyang dinadala ang mga likhang PPE sa mga ospital sa kanilang lalawigan.

Imahe mula kay Ram Silva | Facebook

“I am also risking my life kasi I am exposed to people,” sabi ni Silva sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News.

“‘Yung challenge is paano namin mapaintindi sa families namin that we are doing this for a good cause. Luckily, supportive naman sila,” dagdag niya.

Kinumpirma naman ng ABS-CBN na nasa higit 400 PPE at lagpas 2,050 face mask na ang nagawa ni Silva para sa mga medical health workers sa Iloilo.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…