Matatandang barangay tanod hindi dapat italaga sa mga checkpoints

  • Mga matatandang barangay tanod hindi dapat pagbantayin sa mga checkpoint
  • Iminungkahi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ipagbawal ang deployment ng matatandang tanod para magpatupad ng ECQ
  • Mas makabubuti umano na italaga ang mga matatandang barangay tanod sa mga gawaing hindi gaanong nakakapagod

Iminungkahi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary and Spokesman Jonathan Malaya na ipagbawal ang mga matatandang barangay tanod na magbantay sa mga checkpoints dahil madali silang mahawahan ng coronavirus disease.

Imahe mula sa BDI

Nais niya na mag-hire ang mga barangay ng mas bata at malulusog na mga tanod na magpapatupad ng istriktong enhanced community quarantine sa kanilang mga komunidad.

Sa gitna ng pananalasa ng COVID-19, mas makabubuti umano na italaga ang mga matatandang barangay tanod sa mga gawaing hindi gaanong nakakapagod. Inamin ni Usec. Malaya na hiniling niya kay DILG Secretary Eduardo Año na maglabas ng advisory hinggil sa kanyang iminumungkahi.

“Tayo ay magmumungkahi kay Secretary Eduardo Año na magpalabas ng advisory sa ating mga barangay na pinagbabawalan ‘yong deployment ng mga senior citizen na barangay tanod sa mga checkpoint,” wika ni Malaya.

“Kasi nga ito ay puwedeng magdulot ng sakit sa kanila because they are exposed,” dagdag pa niya.

Kabilang sa kanyang suhestyon ang pagbibigay ng sapat na pahinga sa mga barangay tanod lalo na at hindi naman sila itinuturing na regular na kawani.

Imahe mula kay Sen. Ping Lacson

Ang pakiusap niya sa mga barangay chairman ay mag-hire ng mga barangay personal na physically at mentally fit, lalo na ang mga tanod. Hindi niya tinanggap ang katwiran ng ilang kapitan ng barangay na kakaunti lang ang mga batang aplikante para maging tanod.

“Meron ‘yan. ‘Daming taong pwedeng maging tanod sa mga barangay. Bakit ‘yung senior citizens pa,” ani Malaya.

Ayon sa mga health experts, grabe ang epekto ng COVID-19 sa mga matatanda.

Imahe mula sa PIA

Loading…