Mautak: Lalaki, kalabaw niya ang sinakyan sa panahon ng ECQ kung saan bawal ang mass transportation

  • Trending sa social media ang larawan ng isang lalaking may ibang diskarte para makadaan sa checkpoint
  • Sinakyan niya ang kanyang alagang kalabaw kaya naman nakadaan siya
  • Hindi naman daw kasi kasama sa ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsakay sa kalabaw

Isa sa mga ipinagbabawal sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) ay ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan. Bawal muna ang pagpasada ng mga jeepney, tricycle, bus, at maging ang LRT at MRT. Dahil dito, malaking dagok sa mga walang sasakyan ang pagpunta sa mga pamilihang malalayo tulad ng palengke.

Pero ang isang kababayan natin, mayroong naisip na diskarte para kahit papaano ay maging magaan ang kanyang pagpunta sa kanyang destinasyon. Dahil wala raw sa ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte, ginamit niya ang kanyang alagang kalabaw para maskyan.

Larawan mula sa Facebook post ni James Homer Fragata

In-upload ng netizen na si James Homer Fragata sa kanyang Facebook account ang larawan ng isang lalaking sakay ng puting kalabaw na dumaan sa isang checkpoint. Dahil wala naman sa ipinagbabawal na transportasyon ang kalabaw, wala na raw nagawa ang mga sundal0ng nakabantay sa checkpoint kung hindi titigan na lang at padaanin ang lalaki.

“Dahil Bawal ang Tricycle , jeep or any public utility vehicles at huli at kul0ng ka talaga sa highway,
good thing, nagkalabaw na lang siya. Walang magawa ang bantay sa checkpoint kasi wala naman sa batas na bawal dumaan ang kalabaw,” saad ni James Homer sa kanyang post.

Agad na nag-viral sa social media ang witty na naisip ng lalaking ito na sakyan ang kanyang alaga para makabiyahe at makapunta sa kanyang paroroonan. Habang isinusulat ang kuwentong ito, mayroon nang 5,600 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 7,000 shares ang larawan.

Ayon sa mga netizens na nagkomento, ang makalumang paraan daw pala ng transportasyon ang sagot sa pahirapang pagbiyahe ngayong ECQ. Dahil hindi mahuhuli ang hayop dahil hindi naman kailangan ng lisensya sa pagsakay dito, lusot nga naman sa anumang vi0lati0n.

Larawan mula sa PNA

“Babalik talaga tayo sa kapanahunang walang masyadong sasakyan. Babalik ka sa paglalakad, pagsakay ng kabayo, o kung ano-ano pa,” pahayag ng isang netizen.

Maraming netizens din ang nais tuloy ng alagang kalabaw ngayon para naman daw may masakyan sila papunta sa grocery o palengke. Mahirap daw kasing maglakad ngayon dahil mainit ang panahon.

Loading…