‘May tricycle pala ako:’ Mayor Vico Sotto nag-react sa maling description sa kaniya sa isang broadcast

Imahe mula Instagram | Vico Sotto
  • Naaliw ang netizens sa reaksyon ni Mayor Vico Sotto sa blunder ng 24 Oras na nag-identify sa kaniya bilang tricycle operator
  • Sa isang Instagram story ay nagbahagi siya ng screenshot nito at sinabing ‘May tricycle pala ako!’
  • Agad naman niyang tinanggap ang paghingi ng paumanhin ng producer ng istorya at sinabing kailangan ng comic relief sa ganitong panahon

May nakaaaliw na reaksyon si Pasig City Mayor Vico Sotto sa blunder ng 24 Oras na nag-identify sa kaniya bilang isang tricycle operator.

Imahe mula Twitter | Vico Sotto

Sa kaniyang Instagram story, nag-post siya ng bahagi ng newscast kung saan makikita sa chargen ang kaniyang pangalan at sa ilalim ay nakasulat na siya ay isang tricycle operator.

“May tricycle pala ako!” biro niya.

Sa isang tweet ay nagpaliwanag naman ang producer ng istorya. “Mayor @VicoSotto! Ako po yung producer ng story na ‘to. Pasig City po dapat ‘yan. Sorry po, nagkamali po yung chargen operator,” ani Zai Taguinod na nagpakita pa ng larawan bilang patunay.

Agad namang tinanggap ni Sotto ang paghingi niya ng paumanhin.

“Don’t worry about it! Sa panahon ngayon, kailangan din natin ng kaunting comic relief. ‘Wag lang po itong makita ng *** at baka isipin nila totoo!” tugon ng alkalde.

“By the way, speaking of tricycles, natapos na natin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 87 TODA + 2 PODA (padyak) ng Pasig.”

Imahe mula sa Twitter | Vico Sotto

Marami ang natuwa sa palitang ito at ang ilan ay nakisali pa sa pagbibiro kay Sotto. “Winner. Tanggal ang stress. Pinakapoging tricycle operator si Mayor Vico,” komento ng Twitter user na si Nairobi.

Sabi naman ni Jhem Louise, “siguro iisipin ng NBI kaya mo pinush kasi operator po kayo ng tricycle.” Lol

Ang tinutukoy niya ay ang suhestyon ni Sotto na payagang makabiyahe ang mga tricycle upang maihatid ang mga frontliner sa kanilang patutunguhan. Matatandaang pinagpaliwanag ng NBI si Sotto sa ginawa niyang “violation” ng quarantine policy na nagbabawal ng operasyon ng pampublikong transportasyon.

Hanga naman daw ang netizen na si Akis dahil sa maturity ng alkalde.

“How can we not stan this guy? Wise and mature beyond his years. Let us pray na hindi masira o ma-c0rrupt ng sistema,” aniya.

Source :

Twitter

Loading…