Mayor Isko namahagi ng P13 million sa mga senior citizens sa pamamagitan ng PayMaya

  • Ipinamahagi ng Lungsod ng Maynila ang monthly allowance ng senior citizens sa pamamagitan ng PayMaya
  • Sakop ng ipinamahaging P13 million ang tatlong buwang allowance mula January hanggang March
  • Dahil sa partnership ng Lungsod ng Maynila at PayMaya ay mas mabilis at transparent ang pamamahagi ng financial assistance sa mga senior citizens

Nag-release ang pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ng mahigit P13 million bilang financial assistance sa mga eligible senior citizen beneficiaries ng lungsod sa pamamagitan ng PayMaya, isang platform para sa money transfer at payments na kilala noon bilang Smart eMoney.

Imahe mula sa Manila PIO

Ang financial assistance ay bahagi ng monthly allowance ng mga senior citizens ng lungsod na ang pag-release ay pinabilis upang lalong matulungan ang mga benepisyaryo upang makaagapay sa epekto ng enhanced community quarantine na umiiral dahil sa COVID-19 crisis.

Ayon sa PayMaya, sakop ng ipinamahaging P13 million ang tatlong buwang allowance mula January hanggang March. Nailipat ang halaga sa accounts ng 9,000 senior citizens na bumubuo sa first batch ng mga benepisyaryo na naisyuhan na mg citizen identification cards.

“Disbursing cash assistance via-ewallets is a safer and more transparent means in providing financial aid to citizens, since it minimizes cash handling and provides a record of money transfer,” sabi ni PayMaya founder and chief executive officer na si Orlando Vea.

Imahe mula sa Tribune

“We are happy to see our services being utilized during this enhanced community quarantine (ECQ) for the benefit of one of the most vulnerable segments of Manila’s population,” dagdag pa  niya.

Ang mga senior citizens na hindi pa naisyuhan ng citizen identification cards ay makatatanggap ng kanilang allowance sa pamamagitan ng kanilang mga barangay chairman.

Sinabi naman ni Mayor Isko na dahil sa partnership ng Lungsod ng Maynila sa PayMaya ay nagawa nila nang mas mabilis at transparent ang pamamahagi ng financial assistance nang hindi na kailangang lumbas ng bahay ang mga senior citizens.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Isko Moreno

Loading…