Mayor Vico Sotto, ipinatawag ng NBI para pagpaliwanagin sa posibleng COVID-19 rules violation

  • Pasig City Mayor Vico Sotto, ipinatatawag ng NBI
  • Pagpapaliwanagin umano ng NBI ang alkalde hinggil sa ginawa nitong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act
  • Ipinagtanggol ni Senator Tito Sotto ang alkaldeng pamangkin

Pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig City Mayor Vico Sotto sa diumano ay posibleng paglabag niya sa Bayanihan to Heal as One Act.

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

Kinumpirma ni NBI Deputy Director at spokesman Ferdinand Lavin na nagpadala ng sulat kay Mayor Vico Sotto ang anti-graft division ng kagawaran na nag-iimbita rito na magtungo sa NBI main office sa Maynila sa ika-7 ng Abril.

“For LGU officials for disobeying national government policies or directives in imposing quarantines under the Bayanihan to Heal As One Act,” sagot ni Lavin sa katanungan kung para saan ang imbitasyon sa alkalde ng Pasig City.

Ang nasabing paglabag ay may karampatang parusang pagkakakulong ng hanggang dalawang buwan at multang mula P10,000 hanggang P1,000,000 o pareho.

Kinuwestion naman ni Mayor Sotto ang nasabing alegasyon na nilabag niya ang batas na nagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang kapangyarihan upang tugunan ang health crisis.

Sa isang tweet, sinabi ng alkalde na pinagpapaliwanag siya sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act tulad ng patuloy na operasyon sa lungsod ng mga tricycle.

Screenshot ng FB post ni Mayor Vico Sotto

“We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinion. Alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act?” tweet ni Mayor Vico.

Matatandaang noong mga unang araw ng enhanced community quarantine ay pinayagan ni Mayor Vico Sotto na makapamasada ang mga tricycle upang may masakyan ang mga health care frontliners at iba pang nangangailangan ng transportasyon tulad ng mga taong kailanganag magtungo sa ospital at bumili ng mga pangangailangan.

Screenshot ng tweet ni Mayor Vico Sotto

Agad naman niyang ipinatigil ang operasyon ng mga tricycle nang sabihin ng Department of Interior and Local Government na hindi iyon pinapayagan.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Senator Tito Sotto ang pamangkin at sinabing hindi maaaring maging retroactive ang pagpapatupad ng bagong batas laban sa mga paglabag.

“What are they talking about? Laws are never retroactive if detrimental to any accused,” post ng senador sa Twitter.

Ang Bayanihan to Heal as One Act ay naisabatas noong March 24, 2020, samantalang ang sinasabing pagpayag ni Mayor Sotto na pumasada ang mga tricycle ay nangyari noong March 19, 2020.

Screenshot ng Facebook post ni Mayor Vico Sotto

Loading…