Mensahe ng isang ama: “Mahirap mawalan ng trabaho, pero mas mahirap mawalan ng mahal sa buhay”

  • May panawagan ang isang ama sa mga kapwa mamamayan
  • Sumunod daw sana ang lahat sa mga panuntunan ng ECQ
  • Aniya, “Mahirap mawalan ng hanapbuhay ng 4 weeks, pero mas mahirap mawalan ng mahal sa buhay  habambuhay

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon upang masugpo ang COVID–19, lahat ng tao ay lubos na naapektuhan. Walang mayaman at walang mahirap. Kung may mga frontliners na nasa labas at nakikipaglaban, ito ay dahil sa tawag ng kanilang tungkulin. Para naman sa karamihan, pananatili sa loob ng tahanan ang naging ambag.

Subalit may mga nahuhuli pa ring lumalabag sa mga panuntunan ng ECQ. Kaya naman, isang amang netizen na nagngangalang “Robert” ang nag–iwan ng mensahe sa kaniyang Facebook post para sa lahat.

May hawak siyang isang papel na nakalimbag ang mensaheng “Mahirap mawalan ng hanapbuhay ng 4 weeks, Pero mas mahirap mawalan ng mahal sa buhay habambuhay. #stayhome #staysafe #savelives

Imahe mula sa Facebook account ni Robert Yap

Nagbigay naman ng komento hinggil dito ang mga netizens.

Sabi ng isa, “Tama ka. Kung yung iba naiintindihan ang halaga ng buhay, hindi sila sasaway sa mga batas ng gobyerno, matuto tayong sumunod para sa kaligtasan ng bawat isa. God bless.”

“Mas mahirap ang wala ring pagkain dahil mawawala rin ang buhay kung wala nang makakain, pare–parehas lang din ‘yan. Huwag din ninyong husgahan yung mga lumalabas at dumidiskarte para makakain ang pamilya nila,” turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Mas maganda magtiis nang kaunting panahon kaysa tumagal pa nang husto ang crisis na ito. Kailangan pong sumunod sa ECQ kasi 2 weeks ang incubation period ng virus, so dapat talaga sumunod po tayo.”

Simula nang maisailalim ang buong Luzon sa ECQ, naging malaking katanungan sa mga tao kung paano makaka–survive ang mga tao sa pang–araw–araw na pamumuhay. Naging solusyon naman dito ang pagbibigay ng kagyat na ayuda na pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.

Bukod dito, nagbayanihan din ang mga pribadong sektor, tv networks, mga artista, negosyante, at maging mga karaniwang tao  na nagkaroon pa ng mga kampanya at nangalap ng mga donasyon upang magkaroon ng pondo. Lahat ay nagbigay ng ambag sa abot ng kanilang makakaya.

Kaya naman, maituturing na ambag o tulong na sa pamahalaan at mga kapwa mamamayan ang simpleng pananatili sa mga tahanan sa panahon ng ECQ upang hindi na kumalat ang sakit. Huwag nating sayangin ang sakripisyo ng ating magigiting na mga health care workers at frontliners.

Public Domain Image

Loading…