Mensahe ng pamahalaan sa mga bagong abogadong nakapasa sa Bar exam: “Use it to protect people’s rights”

  • Naglabas ng mensahe ang Malacañang para sa mga bagong pasang abogado
  • Ayon sa mensahe, dapat daw ay gamitin ang pagiging abogado para sa karapatang pantao
  • Hinimok din ni Roque na magtrabaho para sa pamahalaan ang Bar exam passers

Inilabas na ang resulta ng Bar exam para sa taong 2019. Ayon sa Korte Suprema, mayroong 27.36 passing rate ang mga kumuha ngayon. Mula sa 7,685 na kumuha ng exam, tanging 2,103 lamang ang pumasa at naging bagong abogado.

Naglabas na rin ng pahayag ang Malacañang para sa mga Bar passer. Uminog ang mensahe tungkol sa pagiging dakila ng propesyon bilang isang abogado at pinaalalahanan din ng pamahalaan ang mga ito na laging unahin ang karapatang pantao.

Larawan mula sa PNA

Ang nagpaabot ng mensahe ay ang dating University of the Philippines (UP) College of Law professor at ngayon ay presidential spokesman na si Harry Roque. Ayon sa mensahe, dapat daw ipakita ng mga bagong pasang abogado na ang propesyon ay laging inuuna ang karapatan ng mga mamamayan kaya naman ‘noble’ ang trabahong ito.

“As our successful examinees enter the legal profession, please keep in mind that they studied law because of their ideal that the legal profession is a ‘noble profession,’” pahayag ni Roque.

“Lawyers pledge to uphold the law at all times and use it to protect people’s rights. I, therefore, strongly urge all to bring life to this ideal,” pagpapatuloy nito.

Hinimok din ni Roque na subukan ng mga bagong lawyers ng Pilipinas na magtrabaho para sa pamahalaan. Magandang oportunidad raw ito dahil makapaglilingkod sila sa mga mamamayan habang ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin.

Larawan mula sa PNA

“As we wish all the incoming lawyers all the best, we hope that many after taking their oaths and signing the rolls would consider a career in government. This would be a great opportunity to give back to the community for earning the privilege to practice law in the country,” dagdag ni Roque.

Nag-iwan din ng mensahe si Roque para sa mga hindi pinalad na makapasa ng Bar exam ngayong taon. Sabi niya, huwag daw mawawalan ng loo bang mga ito at patuloy na paunlarin ang sarili dahil marami pang pagkakataon ang darating para sa kanila.

Loading…