Mga foreigners na hindi sumusunod sa quarantine guidelines dapat umalis sa Pilipinas

  • Mga banyagang ayaw sumunod sa quarantine guidelines, malayang makaaalis sa Pilipinas
  • Kinastigo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga foreigners na sumusuway sa ECQ
  • Ilang foreigners ang namataan na nasa labas ng kanilang tahanan sa BGC

Kinastigo ng Malacañang ang mga banyaga na hindi sumusunod sa quarantine guidelines na ipinatutupad ng pamahaalan sa gitna ng pananalasa ng novel coronavirus sa bansa.

Imahe mula sa Taguig PIO

Sa isang televised press briefing, ipinaalala ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay ipinatutupad para sa lahat.

“Ang mensahe po ng Presidente: ang ECQ po ipatutupad sa lahat—sa mayaman, sa mahirap, sa Pilipino, o sa dayuhan,” aniya.

Malaya umanong makaaalis ng bansa ang mga banyaga na hindi sumusunod sa mga patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Kung ayaw n’yo pong tumupad diyan lalong-lalo na ‘yung mga dayuhan, umalis na po kayo ng Pilipinas. You are free to go,” mariing sambit ni Roque.

Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng insidente sa Taguig City kung saan ilang mga dayuhan ang namataang hindi sumusunod sa quarantine guidelines. Noong ika-13 ng Abril, isang banyaga kasama ang dalawa niyang anak ang sinita ng pulisya dahil sa paglalakad sa kalsada sa gitna stay-at-home order.

Imahe mula sa I Love Taguig Facebook page

May ilan pang foreigners sa Bonifacito Global City ang nakitang inilalakad ang kanilang mga alagang aso at mayroon ding nagdya-jogging.

Dalawa pang banyaga ang na-videohan na nagsa-sunbathing sa McKinley Parkway.

Ipinaalala ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa lahat ng mga residente sa kanyang nasasakupan na simple lang ang patakaran ng enhanced community quarantine – makalalabas lang  ng bahay kapag kailangang bumili ng mahalagang pangangailangan at kapag emergency.

“’Pag lumabas tayo ng tahanan to do other than buy essentials and for emergencies, it is in violation of the enhanced community quarantine. If you congregate in one area, we believe it violates the enhanced community quarantine,” anang alkalde.

Screenshot mula sa GMA video
Source :

GMA Network, MSN

Loading…