Mga frontline policewomen na matatapang at magaganda, ibinida

  • Ibinida ng isang netizen ang dalawang babaeng pulis na bukod sa matatapang ay magaganda pa
  • Ang mga pulis, kasama ng mga sundalo, health workers, at iba pang mga frontliners ay itinuturing na mga makabagong bayani
  • Ayon sa mga netizens, nakatutuwang makakita ng mga babaeng may “beauty and brains with a heart”

Sa pagdaan ng panahon, pinatunayan ng mga babae na hindi lamang nila kayang pantayan ang mga lalaki, kundi kaya pa nilang higitan at makipagsabayan, lalo na sa iba’t ibang larangan. Kung ano ang ginagawa ng kalalakihan ay tiyak na kayang–kaya rin ng kababaihan; tulad na lamang ng pagiging isang alagad ng batas.

Kaya naman, ibinida sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Jay Panti” ang naispatan niyang dalawang babaeng pulis, na bukod sa magaganda na ay matatapang pa. Ang mga pulis, mga sundalo, health workers, at iba pang mga frontliners ay itinuturing ngayong mga bayani dahil sa pakikipaglaban sa COVID–19.

Imahe mula sa Facebook account ni Jay Panti

Bagama’t hindi nakuha ang pagkakakilanlan at kung saang bayan naglilingkod ang dalawang pulis, umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang dalawang magagandang alagad ng batas.

“Women empowerment ang tawag diyan! Beauty with substance. Ibandera po ninyo ang ating bandilang mga babae! Ingat po kayo lagi mga Ma’am Tsip!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Kung ganitong magagandang pulis naman ang huhuli sa akin, aaraw–arawin ko ang paggawa ng kasalanan. Haha. Biro lang po. Ingat po kayo lagi!”

“Hindi na bago ngayon ang mga babaeng pulis. Kahit nga mga sundalo, karpintero, drivers, plumbers, at iba pa— kayang–kayang makipagsabayan ng mga babae!” saad naman ng isa.

Noong nakaraang Marso ay ipinagdiwang ang “International Women’s Month” subalit hindi ito masyadong nabigyan ng highlight dahil nga sa pandemya ng COVID–19.

May tema itong “We Make Change Work for Women”. Nakabatay ito sa Proklamasyon Blg. 227 serye ng 1988 na nagtatakda sa buwan ng Marso sa gampanin ng mga babae sa kasaysayan.

Public Domain Image

Loading…