Mga healthcare workers sa National Children’s Hospital, may mensahe sa publiko

  • May panawagan at mensahe sa publiko ang mga doktor sa National Children’s Hospital
  • Ipinahatid nila ito sa pamamagitan ng mga hawak na bond papers na makikita sa isang larawan 
  • Nakalagay sa naturang mga papel ang mga pahayag na “Stay at Home”, “Enhanced Community Quarantine”, “Wash your hands”, at “Social Distancing”

Itinuturing na makabagong bayani ngayon ang mga frontliners na araw–araw humaharap sa panganib dulot ng COVID–19 dahil sa tawag ng kanilang tungkulin, lalo na ang mga healthcare workers na kinabibilangan ng mga doktor, nurses, at iba pang mga medical staff. Iisa ang panawagan nila: lahat sana ay makiisa upang virus ay mawala na!

Iyan ang panawagan ng mga doktor sa “National Children’s Hospital” na ibinahagi sa Facebook page ng Department of Health o DOH. May pamagat ang Facebook post na “CARING WITH CHILDLIKE SMILES! ” kung saan makikita ang mga doktor na may hawak na bond papers, at nakaimprenta ang mga mensaheng “Stay at Home”, “Enhanced Community Quarantine”, “Wash your hands”, at “Social Distancing”.

Imahe mula sa Facebook page ng DOH

“Courageous healthcare workers in National Children Hospital, clad in personal protective equipment (PPE’s), continue to provide health services to our fellow kababayans amid the COVID-19 health situation. DOH is committed in ensuring the safety of both our healthcare workers and patients!” ayon sa caption.

Nagpaabot din naman ng ganting mensahe ng pasasalamat at pagpapalakas ng loob ang mga netizens sa comment section ng post.

“Thank you fronliners! May the good Lord bless and keep you all safe. Jesus is your shield and will protect You as you continue to be His hands in healing all the sick,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This is so great to see despite all sacrifices and hardships, they still manage to maintain a happy vibe. Thanks for your services and sacrifices to all patients, may GOD protects you all.”

“To our beloved frontliners, doctors, nurses, medical staff, AFP staff, barangay tanods, barangay purok leaders, volunteers, drivers, guards, janitors, policemen, ambulance drivers and the rest, GOD be with you, protect you and your family. Thank you for sacrifices and love for the country!” papuri naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ng DOH

Saludo po kami sa inyo! Lagi po kayong mag–iingat dahil kaligtasan ninyo ang aming hangad!

Loading…