Mga karanasan ni Howie Severino bilang ‘Patient 2828’ itinampok sa dokumentaryo ng I-Witness

  • Ibinahagi ng batikang mamamahayag na si Howie Severino ang kaniyang kuwento bilang Patient 2828
  • Napagtagumpayan ni Severino ang COVID-19 makalipas ang 11 na araw sa ospital
  • Malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga frontliners, lalo na sa mga doktor at nars, na nagbubuwis ng buhay para sa mga pasyente

Isinaere ng GMA 7, Abril 18, 2o20, ang espesyal na dokumentaryo para sa I-Witness ng batikang mamamahayag na si Howie Severino sa kung paano siya nakipaglaban sa COVID-19 bilang si “Patient 2828.”

Imahe mula sa Facebook page ng I-Witness

Sa dokumentaryong na pinamagatang “Ako si Patient 2828” kung saan ibinahagi ng 58-anyos na mamamahayag kung gaano kalungkot na mag-isa sa loob ng isang silid ng Fe Del Mundo Medical Center sa loob ng 11 na araw.

Sa tulong ng kaniyang nars na si Gabriel Lazaro Jr. ay nakakuha rin siya ng ibang video footage para sa dokumentaryo.

Si Lazaro ay tinuruan ni Severino kung paano kumuha ng dokumentaryo gamit ang cellphone kaya may mga rare hospital footage na napanood sa dokumentaryo.

Kabilang sa mga epekto ng sakit na naranasan ni Severino ay ang kawalan ng panlasa sa pagkain at mahirap na paggalawa dahil sa matagal na pagkakahiga.

Hindi nakatulog si Severino sa unang dalawang gabi nito sa ospital. Inakala rin niya na mababawian na siya ng buhay.

Tinawagan na nga raw niya ang kaniyang misis para mamaalam. Sa kabutihang-palad, pinalakas ng kaniyang misis ang kalooban ni Severino at pinaalala ang masasayang sandali na kapiling nila ang isa’t isa.

Bagama’t may sakit, nag-isip pa rin ng paraan si Severino kung paano nito mailalahad ang naging karanasan bilang Patient 2828. Kinausap niya online ang kaniyang team upang gumawa ng dokumentaryo.

Alam ng mamamahayag na may responsibilidad siya sa kaniyang kapuwa at marapat na malaman ng iba na nagkaroon siya ng impeksiyon nang sa gayon ay maalerto ang mga nakasalamuha niya.

Itinampok din sa dokumentaryo ang kapuwa survivor ni Severino ang aktres na si Iza Calzado.

Imahe mula sa Pixabay

Labis-labis ang kanilang pasasalamat sa lahat ng mga manggagawa sa mga ospital na nagbubuwis ng kanilang buhay upang maisalba ang buhay ng iba.

Nakalabas ng ospital si Severino matapos ang dalawang ulit na pagnegatibo sa COVID-19. Binati siya ng mga nars sa ospital dahil isa na siyang ganap na survivor.

It’s a must na mapanood mo ito:

Loading…