Mga mag–aaral at staff ng Marinduque State College, patuloy na tumutulong sa mga frontliners

  • Namamahagi ng tulong ang Marinduque State College sa mga frontliners
  • Gumagawa sila ng improvised medical gear, ethyl alcohol, liquid hand soaps para sa buong Marinduque upang hindi mawalan ng suplay ang mga healthcare workers
  • Pumayag din sila na gamitin ang kanilang facilities bilang quarantine center

Namahagi ng mahigit 4000 improvised face masks ang Marinduque State College sa healthcare workers at frontliners tulad ng mga doctor, nurses, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at pribadong sektor na nagtutulong tulong upang tuluyang masugpo ang COVID–19.

Makikita sa Facebook page ng Marinduque State College ang kanilang kampanyang “MSC Cares” na naglalayong suportahan ang mga frontliners sa mga pribado at pampublikong mga ospital sa Marinduque sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan tulad ng improvised medical gear gaya ng face mask, hazmat suits, at iba pa, sa tulong ng Marinduque Chinese Asscociation.

Imahe mula sa Facebook page ng Marinduque State College

Araw-araw ding namamahagi ng food packs sa mga frontliners ang faculty, staff, at mga mag–aaral ng nasabing paaralan. At upang matiyak na maayos pa rin ang “psychological at emotional well-being” ng mga mamamayan, inilunsad nila sa online platform ang MSC Guidance and Counselling Office para gumabay sa mga mag-aaral, faculty at staff ng naturang institusyon.

Ang kanilang research laboratory naman ay gumagawa ng ethyl alcohol na yari sa tuba at liquid hand soaps upang hindi mawalan ng panlinis at panghugas sa kamay ang buong Marinduque.

At ang latest, nitong Abril 17, 2020 ay opisyal na nilagdaan ni Provincial Governor Presbitero Velasco, Jr. ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at administrasyon ng MSC upang magamit ang  School of Engineering facilities bilang quarantine center.

“MSC CARES | This kind of commitment at times like this is a work in progress. Let us all count this moment to spread love and kindness. Let us all serve as hope to our fellowmen. We will soon meet the conclusion of this challenge. We will altogether rejoice as we overcome such phase,” mensahe ng MSC.

Imahe mula sa Facebook page ng Marinduque State College

Pangako nila, “And until then and the days forward, Marinduque State College will continue to care while it pursue its mission to give quality and lifelong education to everyone.”

Pagbati sa mga administrador, faculty, staff at mga mag–aaral ng MSC!

Loading…