Mga misis, nagsilbing barbero ng kanilang mga mister sa panahon ng ECQ

  • Popular ngayon ang “haircut challenge” sa mga mag-asawang walang ibang mapagpipilian kundi gupitan ng mga misis ang buhok ng kanilang mister
  • Kahit kinakabahan, marami ring mag-asawa ang natutuwa dahil maituturing itong bonding sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ)
  • Tatlo sa mga celebrity husbands na nagpagupit sa kanilang misis ay sina Dingdong Dantes, JC Intal, at Nico Bolzico

Karamihan sa mga misis ngayon ay nadagdagan ang mga tungkulin sa kanilang mga mister—ang pagiging barbero sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Isa kasi sa mga dilemma ng mga kalalakaihan, lalo na ang mga nakasanayan na ang pagpunta sa mga salon at barber shop, ay ang mabilis na pagtubo ng kanilang buhok, balbas, at bigote. Para sa ilang kalalakihan, napakahalaga nito para mapanatiling maaliwalas at kaaya-aya ang kanilang itsura.

Imahe mula sa Pexels

Marami mang misis ang hindi sanay na gupitan ang buhok ng kanilang mister, isang mapanghamong gawain ito ngayon lalo pa kung wala ring kasiguraduhan kung ano ang kalalabasan ng kanilang “obra maestra.”

Pero kung kinakabahan ang mga misis sa paghawak ng gunting o ng electric hairtrimmer, mas doble ang kaba ng mga mister sa kung ano ang kalalabasan nito.

Gayunman, marami namang success story ng napapanahong haircut challenge tulad ng ilang celebrity couples.

Nito lamang ay ginupitan ng buhok ni Marian Rivera ang mister na si Dingdong Dantes.

“Safe ’to, ha?” pagtitiyak na tanong ni Marian kay Dingdong habang ginugupitan ang mister gamit ang electric hair shaver. Makikita ang nakatutuwang eksenang ito sa isang video sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

Part 2. ?

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics) on

Isa pang celebrity couple na nagkaroon ng haircut session ay ang mag-asawang sina Bianca Gonzalez at JC Intal.

“Umabot na po tayo sa ganito. Masaya naman ang mga customer ko,” ayon sa isang Instagram post ni Bianca kung saan ginupitan din niya ng buhok ang kanilang anak.

Imahe mula sa Instagram account ni Bianca Gonzalez

Ang aktres na si Solenn Heussaff ay ginupitan din ang mister na si Nico Bolzico kung saan mapapanood din sa Instagram ang kanilang nakaaaliw na video.

Simple man kung titingnan ngunit tiyak na masusukat sa haircut challenge na ito ang tiwala sa isa’t isa ng sinumang mag-asawa.

 

View this post on Instagram

 

Sorry @headandshouldersph!

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico) on

Loading…