Mga nagsasabong at nagtatagayan hindi na bibigyan ng ayuda – Pres. Duterte

  • Mga violators ng enhanced community quarantine huwag nang umasang mabibigyan ng ayuda
  • Inatasan ng Pangulo ang DILG na imbestigahan ang mga sangkot sa sabong at iba pang uri ng pagsusugal sa kabila ng stay-at-home order ng gobyerno
  • Sa tala ng PNP, umabot na sa 108,088  ang mga nahuling lumabag sa guidelines ng enhanced community quarantine sa loob ng 27 days

Huwag nang umasa na bibigyan ng ayuda ang mga naaktuhang nagsasabong at nagtatagayan sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Screenshot mula sa video ng GMA

Ito ang mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang televised public address noong Huwebes, ika-16 ng Abril.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang mga sangkot sa sabong at sa iba pang uri ng pagsusugal sa kabila ng stay-at-home order ng gobyerno. Pinakikilos din niya ang mga awtoridad na kilalanin ang mgataong  inuubos ang pera sa kaiinom.

“’Yung kayo nagsasabong at nag-iinuman, ibig sabihin may pera kayo. Do not expect any help from me. Sabihin ko talaga, sorry na lang,” anang Pangulo.

“May pera pala kayong pangsabong, may pera pala kayong pang-inom, ibigay ko na lang sa iba. There’s not enough to go around. Di talaga magkasya. We’re getting low sa supply ng pagkain. Ilang araw na ‘yung buong Pilipinas pinapakain mo,” dagdag pa niya.

Screenshot mula sa video ng RTVM

Ang pahayag ni Pangulong Duterte ay kasunod ng kabi-kabilang ulat tungkol sa mga naaktuhang nagsusugal at nag-iinuman sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine kung saan ang mga mamamayan ay hindi dapat lumalabas ng bahay kung hindi kinakailangan.

Sa Bacoor, Cavite ilang senior citizens ang naaktuhang nagtatagayan at nagsusugal. Sa Sta. Rosa, Laguna, ilang kalalakihan ang dinakip dahil sa pagsasabong at sa Nueva Ecija naman ay tatlong kababaihan na pawang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang naaktuhang nagpupustahan sa baraha.

Sa Lungsod ng Maynila, ang barangay chairman at tatlong kagawad na dapat ay nagpapatupad ng batas ay sila pang nagpasimuno ng sabong sa loob ng Manila North Cemetery.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

Sa tala ng Philippine National Police, umabot na  sa 108,088  ang mga nahuling lumabag sa guidelines ng enhanced community quarantine sa loob ng 27 days.

Loading…