Mga pamantayan kung ititigil na o palalawigin pa ang enhanced community quarantine, inihahanda na

  • Nagbuo ng TWG ang IATF na inatasang gumawa ng guidelines upang matukoy kung ititigil na o palalawign pa ang enhanced community quarantine
  • Ang enhanced community quarantine ay nakatakdang matapos sa April 12, 2020
  • Sinabi ni IATF spokesman karlo Nograles na hindi totoo ang kumakalat na balita na pahahabain pa ng 60 days ang enhanced community quarantine

Bumuo ang Inter-agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-IED) ng isang technical working group (TWG), na pangungunahan ng Department of Health (DOH), at inatasan ito na gumawa ng mga pamantayan upang matukoy kung ang enhanced community quarantine ay itutuloy pa, ititigil na o palalawigin sa iba pang bahagi ng bansa.

Imahe mula sa Bangkok Post

Ang enhanced community quarantine kung saan ang mga residente ay kinakailangang manatili sa loob ng bahay upang makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-16 ng Marso at nakatakdang matapos sa ika-12 ng Abril 2020.

“The IATF Technical Working Group (TWG) to be led by the DOH is directed to convene and finalize the parameters for deciding on the eventual total or partial lifting of the ECQ in Luzon, the possible extension of its duration, or its expansion to other areas outside the contained area, subject to the approval, amendment or modification by the IATF,” pahayag ni IATF spokesman Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang virtual press conference.

Sa nasabing press conference, nilinaw ni Nograles na walang katotohanan ang kumakalat na balita na pahahabain pa ng 60 days ang enhanced community quarantine.

“Importante po ito at uulit-ulitin po namin. Hindi po totoo ang kumakalat na balita. Fake news po na i-e-extend ang enhanced community quarantine ng 60 days,” paglilinaw niya.

Screenshot mula sa video ng Inquirer

“Sa usaping ito, science is in charge. Sana po malinaw ito sa ating lahat,” dagdag pa niya.

Batay sa datos ng DOH ngayong April1, 2020, may 2,311 confirmed COVID-19 cases sa bansa.

Loading…