Mga residente ng isang condominium sa Pasay, nagpalakpakan para sa mga frontliners

  • Pinalakpakan ng mga residente sa isang condominium sa Pasay ang mga health workers at frontliners ng katapat nilang ospital
  • Tatlong palakpak at “Maraming salamat po” naman ang nagsilbing tugon ng mga staff
  • Nagpahatid din ng papuri at pasasalamat ang mga netizens para sa kanilang kagitingan

Kulang ang mga salita ngayon upang maipahayag natin ang papuri, paghanga, at pasasalamat para sa lahat ng health workers at frontliners na walang takot na sumasagupa sa panganib na dulot ng pandemya ng COVID–19, kahit masakripisyo pa ang pansariling kaligtasan laban dito.

Kaya naman, pagpalakpak ang naging paraan ng pasasalamat ng mga residente ng “La Verti Residences Condominium” sa Pasay para sa mga health workers at frontliners na nasa tapat lamang ng “Adventist Medical Center Manila”. Tatlong palakpak at “Maraming salamat po,” ang tugon naman ng mga magigiting na staff ng naturang ospital. Ibinahagi ito ng netizen na si Andre Primo Beltran at iniulat naman sa Facebook page ng ABS–CBN News.

Image capture mula sa Facebook account ni Andre Primo Beltran

Nagbigay rin ng papuri at pasasalamat ang mga netizens para sa mga health workers at lahat ng frontliners simula umpisa nang pakikipaglaban sa sakit na ito.

Sabi ng isa, “Thank you to all your great deeds. Keep safe everyone until the end of our battle against COVID–19. Walang iwanan please. Alagaan po ang sarili para sa amin, pakiusapn po. We are always praying for all of you.”

“To all FRONTLINERS of AMCM, our deepest appreciation and a million thanks for your services and care. May our dear Almighty God bless and free you all from any illnesses and harm together with your families. We are so proud of you. God bless and keep you all!” turan naman ng isa.

Testimonya naman ng isa, “Salute to the doctors and nurses sa Adventist Medical Center. Noong dinala ang Papa ko diyan last March 16, tinanggap nila kahit puno na sila at least na first aid ang Papa ko sa isolation room, bago nailipat sa The Medical City. My father is well now, thank you so much.”

“Thank you frontliners! Dito sa Spain, everyday ng 8:00 PM  pumapalakpak kami para saluduhan sila. God bless you all unsung modern heroes!” saad naman ng isang Pilipinong nasa bansang Espanya.

Public Domain Image

Higit pa sa palakpak ang nararapat para sa lahat ng mga health workers at frontliners sa buong bansa at buong mundo! Maraming salamat po!

Loading…