Mga residenteng nandadaya sa Social Amelioration Program ibinisto ni Navotas City Mayor Toby Tiangco

  • Mga residenteng nandaya sa SAP ibinisto ni Mayor Toby Tiangco
  • May barangay administrator at misis nito ang pumirma ng SAP form at ipinalabas na sa magka-ibang barangay sila nakatira
  • Ipinost ng alkalde sa Facebook ang SAP form ng mga mandarayang residente

Ibinisto ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang ilang residente sa kanyang nasasakupan na gumawa ng pandaraya upang makakuha ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco

Ang iba sa mga nandaya ay kawani pa umano ng isang barangay.

Ayon kay Mayor Tiangco, ang isang barangay administrator at ang misis nito ay parehong pumirma ng SAP form at idineklara pa ng mga ito na sa magkaibang barangay sila nakatira.

“So, talagang nanloloko,” sabi ng alkalde.

Isang residente naman ang nag-fill out ng dalawang  SAP form at ang inilagay nitong address ay magka-ibang barangay.

“Today, may ipinasa na naman sa akin. Ito namang case na ito, isang tao nag-fill out  ng dalawang form pero separate barangay,” aniya.

Paliwanag ni mayor, kung dalawa ang bahay mo ay tiyak na hindi ka qualified na tumanggap ng cash aid sa ilalim ng SAP.

Ang pinakaraming kaso raw ng pandarayang ginawa ng mga residente ay ang misdeclaration ng income. Pinabababa umano ng iba ang kanilang declared income upang maging kwalipikado sa emergency cash subsidy mula sa DSWD.

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco

Mula nang ipinost ni Mayor Tiangco ang mga SAP forms ng mga mandarayang residente, marami na umano ang kusang nagsauli ng P8,000 na natanggap nila dahil alam nilang hindi sila qualified sa ayuda.

Nanawagan siya sa mga barangay chairman na repasuhin ang listahan ng kanilang barangay. Inatasan siya ang mga ito na sila na ang bumawi ng mga SAP forms o ng P8,000 sa mga residenteng hindi qualified.

“’Wag niyo nang antayin na maunahan pa namin kayong matuklasan itong mga ito,” babala ni Mayor Tiangco.

Imahe mula kay Mayor Toby Tiangco
Source :

Facebook, YouTube

Loading…