Mga staff ng sikat na convenience store, kinaaliwan dahil sa kanilang face shield

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang pagsusuot ng face shields ng mga staff ng isang convenience store sa Mandaluyong City
  • Bukod sa serbisyong handa nilang ibigay bilang mga frontliners, nakatutuwa ring pagmasdan na may proteksyon din sila sa kanilang mga sarili, bukod pa sa maganda sa paningin ang kanilang mga face shields na terno sa kanilang uniporme
  • Umani naman ito ng positibong komento mula sa mga netizens

Bukod sa mga healthcare workers, security guards, embalsamador, pulis, sundalo, at marami pang iba, maituturing na frontliners din ang mga grocery, supermarket, at convenience stores staff na handang ibigay ang kanilang serbisyo para sa mga taong namimili ng kanilang mga pangangailangan sa panahon ng enhanced community quarantine.

Nararapat din namang may sapat silang mga kagamitan upang maproteksyunan ang kanilang mga sarili laban sa pagkakahawa ng COVID–19, bagama’t  sinusunod din naman nila ang social distancing. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang pagsusuot ng face shields ng mga staff ng “Ministop Covenience Store sa G.A. Tower, Mandaluyong City, na makikita sa kanilang Facebook page.

Imahe mula sa Facebook page ng Ministop GA Towers Mandaluyong

“Ministop – GA TOWER is still OPEN TO SERVE MANDALUYONG City for its basic needs during these difficult times from 5:00 am to 12:00 midnight. Stay safe everyone… Proud to be serving our very disciplined customers of MANDALUYONG CITY who takes social distancing and wearing of face masks seriously inside MINISTOP GA TOWER. Thank you customers!,” ayon sa kanilang post.

Nagbigay rin naman sila ng paalala sa kanilang mga customers, “1. Strictly No dine in. Take out only. 2. Please wear mask at all times. 3. Please sanitize your hands before and after entering our store. 4. Practice Social Distancing inside our store. 4. We highly appreciate small bills and coins. WE ARE HAPPY TO SERVE YOU SAFELY!”

Umani naman ito ng magagandang komento mula sa mga netizens. May mga pumuri sa kanilang pagsusuot ng face shields at may ilang naaliw sapagkat terno ito sa kanilang uniporme.

“Keep safe guys. We truly appreciate your service!” pasasalamat ng isa.

“Turan naman ng isa, “I salute and admire all the staff of Ministop. They make daily sacrifices so we could have our meals and groceries. Excellent job, my heroes. Shout out to Mini stop AIC building Sapphire Road.”

Imahe mula sa Facebook page ng Ministop GA Towers Mandaluyong

“In fairness maganda ung uniporm nila at yung face shield protektado sila, sana ganyan din sa kalaban nilang convenience store,” komento naman ng isa.

Kadalasan, ang mga convenience store na gaya nito ay bukas 24/7, subalit dahil sa ipinatutupad na ECQ, nagkaroon sila ng limitasyon sa oras. Ang mga convenience store ay sadyang matatakbuhan sa panahon ng matinding pangangailangan.

Loading…