Milyun-milyon nanood sa YouTube ng solo performance ni Andrea Bocelli sa loob ng bakanteng katedral

  • Italian tenor na si Andrea Bocelli mag-isang nagtanghal sa bakanteng katedral sa Milan noong Easter Sunday
  • Music for Hope ang titulo ng solo concert na may layuning magbigay ng mensahe ng pag-asa sa gitna ng pananalasa ng novel coronavirus
  • Ang performance ni Bocelli na ni-livestream sa YouTube ay napanood na ng mahigit 32.4 million tao sa buong mundo

Napakaraming social media users sa buong mundo ang nanood ng solo performance ng Italian tenor na si Andrea Bocelli sa loob ng bakanteng katedral noong Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, ika-12 ng Abril.

Screenshot mula sa Music for Hope video via YouTube

Hindi man makalabas ng kani-kanilang tahanan upang ipagdiwang ang Easter Sunday dahil sa patuloy na pananalasa ng novel coronavirus, nasaksihan ng milyun-milyong tao sa buong mundo ang espesyal na pagtatanghal ni Bocelli sa Duomo Cathedral sa Milan.

Sa imbitasyon ng city government ng Milan at ng Duomo Cathedral, si Bocelli ay mag-isang nagtanghal sa loob ng katedral. Tinawag na “Andrea Bocelli: Music for Hope” solo concert niya na may layuning ipakalat sa Italya at sa buong mundo ang mensahe ng pag-asa.

Ang Music for Hope ay ni-livestream sa YouTube. Sa ngayon ay mapapanood pa rin ang pagtatanghal ng Italian tenor sa kanyang YouTube channel. Umabot na sa halos 32 million views ang video.

Bago simulan ang pagtatanghal, ipinakita sa video ang mga lansangan sa Italy na walang katao-tao habang maririnig sa background ang boses ni Bocelli na nagbibigay ng pag-asa na ang araw na iyon (Pasko ng Pagkabuhay) ay magsisilbing “universal symbol of rebirth” sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Screenshot mula sa Music for Hope video via YouTube

“On the day in which we celebrate the trust in a life that triumphs, I’m honored and happy to answer ‘Sì’ to the invitation of the City and the Duomo of Milan. I believe in the strength of praying together; I believe in the Christian Easter, a universal symbol of rebirth that everyone — whether they are believers or not — truly needs right now,” bahagi ng mensahe ni Bocelli sa wikang Italyano.

Sinimulan ng Italian tenor ang pagtantanghal sa loob ng Duomo Cathedral kung saan inawitniya ang “Panis Angelicus,” “Ave Maria,” “Sancta Maria” at  “Domine Deus.”

Tinapos niya ang pagtatanghal sa labas ng katedral sa pag-awit ng “Amazing Grace.”

 

Source :

YouTube, ABS-CBN

Loading…