Mission food security: PH Army members sumailalim sa crop production at livestock raising training

  • Sumailalim sa farming training sa DV Boer Farm sa Batangas ang limang sundalo mula sa 2nd Infantry Division ng Philippine Army
  • Ang pagsasanay nila ay kaugnay ng proyekto ng PH Army 2ID na gawing farmland ang halos dalawang ektarya ng nakatiwangwang na lupain sa loob ng kampo nito sa Tanay, Rizal
  • Ang mga sundalong nagsanay ang gagabay at magtuturo sa mga kasamahan ng kanilang mga natutuhan

Limang miyembro ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2ID) ang sumailalim sa pagsasanay sa pagtatanim at paghahayupan sa DV Boer Farm sa Lian, Batangas.

Imahe mula sa DV Boer Farm

Sa tulong ng may-ari ng farm na tinaguriang “People’s Farm” na si Dexter Villamin, ang Philippine Army 2ID ay binigyan ng technical assistance sa crop production, livestock raising at food processing.

Binigyang-diin ni Dexter Villamin ang kahalagahan na matiyak ang food security upang maiwasan ang kagutuman at civil disobedience na posibleng mangyari lalo na at pinalawig pa ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa People’s Farm, tinuruan ang limang sundalo ng tamang paraan ng pagtatanim at pagpapalaki ng sari-saring gulay. Sinanay din sila sa scientific method ng pag-aalaga, pagpapalaki at mass production ng manok, kambing at rabbit.

Naniniwala si Mr. Villamin na ang kakayahan ng mga kuneho na mabilis magparami ay isang paraan upang masiguro ang sapat na supply ng pagkain para sa lahat ng Pilipino.

Ang ginawang pagsasanay ng limang sundalo sa DV Boer Farm ay kaugnay ng proyekto ni Major General Arnulfo Marcelo B Burgos Jr, Commander ng 2ID, na gawing  farmland ang halos dalawang ektarya ng lupain na sakop ng kampo nila sa Tanay, Rizal na nakatiwangwang lang.

Imahe mula sa DV Boer Farm

Ayon kay Maj. Gen. Burgos, ang limang sundalo na sumailalim sa farming training ang mangunguna sa pagsasagawa ng “food security-related missions.” Sila ang gagabay at magtuturo sa kapwa sundalo ng lahat ng kanilang natutunan sa DV Boer Farm.

Sinabi pa ng opisyal na bukod sa magiging self-sustaining ang kampo dahil sa proyekto, makatutulong pa ito sa mga komunidad sa paligid ng kampo na nagngangailangan ng mga pagkain na mabibili sa mas murang halaga.

Imahe mula sa DV Boer Farm
Source :

Journal, Facebook

Loading…