Multi-awarded financial planner sa mga Pinoy: “Sana we know na these days the value of ipon and emergency fund”

  • May paalala ang isang multi-awarded financial planner sa mga kapwa–Pilipino
  • Sana raw alam na ng lahat ang kahalagahan ng pag–iipon at pagkakaroon ng emergency fund
  • Umani naman ito ng pagsang–ayon mula sa mga netizens

Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon at iba pang mga bayan sa Visayas at Mindanao upang mapigilan na ang problema sa COVID–19, umusbong pa ito sa iba pang mga problemang matagal nang nariyan kahit wala pa ang virus: ang kahirapan. Dahil tigil–trabaho ang karamihan, naging problema ang perang pambili ng mga pangunahing pangangailangan at pambayad sa mga utang at bills.

Dito na pumasok ang pagbibigay ng ayuda, na nasa anyo ng cash assistance at relief goods, na ibinigay ng mga ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga individual donors, para sa mga walang kakayanan.

Kaya naman, isang multi–awarded financial planner na nagngangalang “Don G. Crisostomo” ang nagbigay ng kaniyang saloobin sa kaniyang Facebook post, hinggil sa maaaring makuhang aral ng nangyaring krisis sa bansa at sa buong mundo.

Imahe mula sa Facebook account ni Don G. Crisostomo

Ayon sa kaniyang post, “Filipinos, sana we know na these days the value of IPON at EMERGENCY FUND.”

Sumang–ayon naman dito ang ilang mga netizens.

“I so agree with this fact. I should have learned about this in my younger years! Nevertheless, hindi pa huli ang lahat. I’m starting to have my emergency fund na, and another investment to be used in situatuons like this!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Yung mga panay milk tea noon, tapos asa sa gobyerno ngayon. Nakakatawa lang. Matuto po tayong magimpok para may madudukot tayo sa panahon ng pangangailangan. Gayahin natin ang mga langgam. Walang tigil sa pagtatrabaho at pag–iipon tuwing tag–araw upang may magamit sa panahon ng tag–ulan.”

“As discussed in one of our nomo sessions, it’s a yes for me. Hahaha,” pahayag naman ng isa.

Bago pa man mangyari ang krisis na kinahaharap ngayon ng buong mundo dulot ng COVID–19 pandemic, matagal nang sinasabi at pinapaalala ng mga financial experts ang kahalagahan ng pagiipon at pagkakaroon ng emergency fund. Ang emergency fund ay perang itinabi na gagamitin lamang sa panahon ng matindi at hindi inaasahang pangyayari, na kaiba sa savings at iba pang fund.

Public Domain Image

Ayon pa sa kanila, wala naman sa laki ng kita ang pag–iipon: nasa tamang attitude ito at pagiging pursigido. Anuman ang halagang hawak ng iyong mga kamay, nasa iyong mga desisyon kung paano mo gagastusin ang perang nasa sa iyo; maliit man o malaki ito.

Si Don G. Crisostomo ay multi-awarded financial planner, business consultant, awtor, kolumnista, at doctor of Humanities.

Source :

Facebook

Loading…