Mundo kapos ng 6 million nurses – World Health Organization

  • May global shortfall ng nurses sa buong mundo, ayon sa WHO
  • Halos anim na milyong nurses ang kailangan upang masiguro ang sapat na pangangalaga sa lumalaking populasyon ng daigdig
  • Hinihikayat ng WHO ang mga bansa na mamuhunan sa nursing education

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mayroong kakapusan ng mga nurses sa buong mundo ng halos anim na milyon.

Imahe mula sa Nursing Times

Binagyang-diin ng WHO at partners na Nurse Now at International Council of Nurses sa kanilang report ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga nurses, na bumubuo sa mahigit kalahati ng lahat ng health workers sa buong mundo.

“Nurses are the backbone of any health system,” pahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Sabi niya, nasa frontline at nakikipagbuno ang napakaraming nurses laban sa COVID-19 pandemic. Napakahalaga na makuha nila ang suportang kinakailangan upang mapanatili ang kalusugan ng mga tao sa buong mundo.

Sa ngayon ay nasa 28 million ang bilang ng mga nurses sa buong mundo. Kailangan pa ng karagdagang 5.9 million nurses upang mabigyan ng sapat na pangangalaga ang dumaraming populasyon ng daigdig.

Ayon sa report ng WHO, ang malaking kakulangan sa mga nurses ay nasa low at low-middle income na bansa gaya ng Africa, Southeast Asia, Eastern Mediterranean region at sa ilang bahagi ng Latin America. Batay ito sa datos na nakuha mula sa 191 na bansa mula noong 2013 hanggang 2018.

Imahe mula sa WHO

Hinihikayat ng WHO ang mga bansa na mamuhunan sa nursing education.

Sa kasalukuyang COVID-19 pandemic, nananawagan si Mary Watkins ng Nurses Now ng pamumuhunan sa virus test para sa mga health care workers.

“We have a very high proportion of health care workers not going to work because they’re afraid that they’ve been infected and that they can’t prove that they have not got the infection or that they’ve had it, and they’re over it,” aniya.

Umabot na sa mahigit isandaang heath care workers sa buong mundo ang sinawimpalad dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa International Council of Nurses
Source :

CNBC, Japan Times

Loading…