Nadine Lustre, namahagi ng pagkain at PPE sa COVID referral center

Imahe mula sa Instagram | Nadine Lustre at Facebook | Mamel PB
  • Namahagi ng pagkain at personal protective equipment si Nadine Lustre sa mga frontliners sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital sa Caloocan
  • Ito ay isa sa mga itinalagang COVID-19 patient referral center
  • Sa isang Facebook post ay pinasalamatan ng kaniyang tita si Nadine dahil siya raw ang nag-sponsor ng PPEs at acrylic boxes at tumulong din ito upang mapakain ang mga staff ng ospital

Bilang pagpapakita ng suporta sa mga frontliners na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin habang ang lahat ay binibilinan na manatili na lang sa kanilang tahanan ay marami ang nagkakapit-bisig upang maabutan sila ng tulong.

Imahe mula sa Facebook | Mamel PB

Isa na riyan ay ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre na namahagi ng pagkain at personal protective equipment (PPE) sa mga staff sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan. Isa ito sa mga itinalaga ng gobyerno bilang referral center para sa COVID-19 patients.

Sa Facebook post na ibinahagi ng tita ni Nadine na si Mamel PB, nagpasalamat siya sa pamangkin dahil ito raw ang nag-sponsor ng mga ibinahagi nila sa DJNRMH.

“Thank you so much, my lovely niece Nadine for sponsoring their PPEs, acrylic boxes, and helping feed the team at DJNRMH. Proud tita here,” aniya sa post.

Imahe mula sa Facebook | Mamel PB

Dagdag niya pa umaasa silang makatutulong sa mga staff ng ospital ang simpleng tulong na naibahagi nila. “We appreciate your hard work and services to our communities. May this humble gesture become helpful to the hospital staff,” dagdag niya.

Makikita sa mga larawan na kaniyang ibinahagi ang mga handwritten note na kalakip ng mga pagkain. “Thank you for your sacrifice. God bless. Laban lang!” saad ng isa.

“Thank you for saving lives. Keep safe and keep smiling,” nakasulat naman sa isa pa.

Nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine and buong Luzon at pinalawig pa ito hanggang sa katapusan ng Abril. Ito ay upang mapigilan ang tuluyang pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health 4 p.m. ng April 12 ay may 4,648 confirmed cases na sa Pilipinas.

Source :

Facebook

Loading…