Naengganyo sa resulta ng “vitamin-enriched” ECQ, Cavite governor magdadagdag pa ng “glutathione”

  • “Vitamin-enriched” ECQ lalo pang paiigtingin sa Cavite
  • Dahil maganda ang resulta ng vitamin-enriched ECQ, plano ni Gov. Remulla na lalo pang gawing mas mahigpit ang pagpapatupad nito
  • “Vitamin Enriched, with lycopene, beta flavinoid, L-carnitine, whey protein, and glutathione ECQ” ang pabirong tawag ni Gov. Remulla sa mas lalong mahigpit na implementasyon ng ECQ

Maganda ang naging resulta ng mas pinahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Cavite. Tinawag ito ni Governor Jonvic Remulla na “vitamin-enriched” ECQ kung saan humingi siya ng tulong sa Philippine Army at sa Philippine National Police sa pagpapatupad nito.

Imahe mula sa Instagram account ni Gov. Jonvic Remulla

Dahil sa vitamin-enriched ECQ ay nangalahati na lang ang bilang ng mga nahuling lumabag sa mga patakaran ng quarantine sa Cavite.

“Bagamat hindi perpekto, the results are very encouraging. Bumaba sa kalahati ang pasaway, naayos ang halos lahat ng palengke, at kumonti ang violators ng check point,” aniya.

Sa isang Facebook post ay inilahad ni Gov. Remulla ang bilang ng mga violators sa bawat munisipalidad. Bagaman at marami pa rin ang bilang ng mga ito kung susumahin, masaya niyang ibinalita na iyon ay kalahati na lang ng bilang noong nakaraang linggo.

Dahil dito ay pinapurihan niya ang binuong task force ng pinagsamang sundalo at pulis sa pangunguna ni Col. Marlon Santos.

“This is 1/2 of the previous Friday’s violations. ‘Yun lang pala ang kailangan. Shout out to the PNP/AFP composite task force headed by Col. Marlon Santos. Good job,” post ni Gov. Remulla.

Screenshot ng Facebook post ni Gov. Jonvic Remulla

Ngayong linggong ito ay plano ng gobernador na makipagpulong sa lahat ng mga alkalde ng Cavite upang mapag-usapan ang pagpapalakas ng vitamin-enriched ECQ mula May 1 hanggang May 15.

“I will confer with the mayors this week regarding a strengthening of the VE ECQ from May 1 to 15. This is to further stop the spread of COVID and to protect the people. Sana maintindihan ng lahat na ‘pag lalo naming higpitan ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat,” aniya.

Nagbiro pa si Governor Remulla na ang vitamin-enriched ECQ ay lalo pang palalakasin sa pagdaragdag ng iba pang sahog.

“Vitamin Enriched, with lycopene, beta flavinoid, L-carnitine, whey protein, and glutathione ECQ. Whew, haba nun. Ano ang opinion ninyo? Let me know,” aniya.

Screenshot ng Facebook post ni Gov. Jonvic Remulla

Loading…