Naghihikahos at payat na balo ibinagsak umano sa interview para sa SAP, kinaawaan ng netizens

  • Babaeng balo na nangangayayat ang katawan, hindi mabibigyan ng ayuda mula DSWD
  • Nananawagan ang mga netizens sa pamahalaan na matulungan si nanay
  • Humakot ng atensyon ang kuwento ni Marivic Collarin sa Facebook

Nananawagan ang mga social media user na tulungan ang isang babaeng balo na nangangayayat na ang katawan pero hindi isinali sa mabibigyan ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Image by Leuterio Charlote via Facebook

Sabi ni Leuterio Charlote sa Facebook, kinapanayam ng mga social worker si Marivic Dulce Collarin nitong Lunes kung saan nalamang hindi maisasali ang ginang sa mga mabibigyan ng subsidiya sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sabi ni Leuterio, “Ano pa ho ba ang hinahanap n’yo sa interview n’yo. Matindi rin kayo, wala kayong awa. Isipin n’yo ang taong ininterview n’yo ay balo, halos ang katawan ay payat na payat, may anak at apo.

“Ang anak ay solo parent. Natigil ang hanapbuhay dahil sa lockdown. Nangungupahan ng bahay. Tapos di papasa sa inyo? Nakakagigil kayo! Kulang na lang ‘wag ninyong ipamahagi ang ayudang ibinigay ng gobyerno.”

Humakot ng atensyon sa internet ang update ni Leutero. Mayroon na itong higit 48,000 reaksyon at nasa 51,000 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Sabi ng isa, “Dapat inalam din ang pangalan ng nag-interview. Kasi ‘di naman lahat ng DSWD, may pag-iimbot sa pera ng bayan.”

Komento naman ng iba, “Tama ka, mamimili lang sila ng iinterview-hin. Meron dito nawalan ng trabaho ang asawa, may pinapadede pa tas tapos nangungupahan pero hindi binigyan ng form.”

Karagdagan, nagrereklamo rin si Mabanal Jerrlyn dahil hindi umano sinali ang kanyang magulang na senior citizens.

“Hindi namin alam kung bakit ganoon sila sa amin. Sana maaksyunan po ito. Tulungan ninyo po kami.”

Image by Mabanal Jerrlyn via Facebook

Ayon sa PNA, ang SAP ay inilalaan sa mga low-income families o sa mga nasa subsistence economy o manggagawa sa informal sector o may mga miyembro ng pamilya na nasa vulnerable sector.

Nawa’y masolusyunan ang hinaing ng mga mahihirap nating kababayan na tunay na nangangailangan ng tulong.

Walang perpektong mamamayan at wala ring perpektong pamahalaan pero sana’y magtulong-tulong tayo para kahit papaano ay maging patas at tama ang pamamahagi ng SAP.

Imahe mula sa DSWD

Loading…