Naispatang guwardiya, kahawig ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa

  • May naispatang isang guwardiya na kahawig ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa
  • Nagtatrabaho ito sa isang kilalang money remittance center
  • Nagdulot naman ito ng katatawanan sa mga netizens

Minsan, may mga tao talagang sadyang magkakahawig o magkakamukha, kahit na hindi naman sila magkakilala, o walang kinalaman sa isa’t isa. Sa kabila nito, maliban sa mga identical twins ay walang taong eksaktong eksakto ang mga pagkakatulad ng katangian, dahil ‘ika nga, lahat ng tao ay unique.

Kaya naman, kinatuwaan sa social media ang isang naispatang guwardiya na kahawig ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Sa Facebook post ni “Jay Panti”, ipinakita niya ang larawan ng isang guwardiyang naka–duty sa isang kilalang money remittance center, na sa side view ay hawig na hawig nga ng senador. Hindi naman natukoy o nakuha ang pagkakakilanlan nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Jay Panti/Public Domain Image

Ayon sa kaniyang caption, “Nariyan ka lang pala sa Palawan Express. Hindi mo kami maloloko, Bato!”

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Ay oo nga no? Hindi mo po kami maloloko. Nagpalit na po ba kayo ng career? Hawig ang mukha, ulo, at katawan. Nice!” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Oo parang pinagbiyak na bunga ng senador, kapag naka–side view. Hindi natin alam kapag nakaharap na. Sino kaya siya?”

Si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ay isinilang noong Enero 21, 1962. Bago naging senador ay isa siyang pulis, at  dating Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na naitalaga noong noong Hulyo 1, 2016 hanggang Abril 19, 2018, na personal na pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago siya maging hepe ng PNP,  si Dela Rosa ay dating hepe ng naman ng kapulisan sa Lungsod ng Davao kung saan din nagmula ang pangulo, na dating mayor nito. Nahalal siya bilang senador ng Repulika ng Pilipinas nong 2019. Siya ang dahilan kung bakit ibinasura ni Pangulong Duterte ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas dahil kinansela ng pamahalaan ng Amerika ang VISA nito patungo roon.

Public Domain Image

Loading…