Naka-TikTok 24 Oras: GMA anchors na sina Jessica Soho, Atom Araullo, at Vicky Morales, nag-TikTok sa primetime

  • Pinangiti ng 24 Oras anchors na sina Jessica Soho, Atom Araullo, at Vicky Morales ang mga manonood at netizens
  • Kumasa kasi ang tatlo sa isang TikTok challenge at ginawa nila ang sayaw on-air at bago matapos ang kanilang newscast
  • Ayon kay Jessica, ginawa raw nila ang sayaw na iyon bilang pagpupugay sa mga medical frontliners

Pampalipas oras ng mga maraming Pinoy na naka-enhanced community quarantine (ECQ) ang pagti-TikTok. Kalat sa social media ang iba’t ibang videos ng kani-kanilang bersiyon ng TikTok challenges. Ang iba, ginagamit na rin ito upang magbigay-pugay sa mga frontliners.

At sa isang episode ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras, kumasa rin sa usong-usong TikTok ang mga anchors na sina Jessica Soho, Atom Araullo, at Vicky Morales. Bago matapos ang isang episode, nagpakita ng moves ang tatlo na nagbigay ngiti naman sa netizens.

Larawan mula sa video ng GMA News

Sa nasabing episode kasi, nai-feature nila bago magtapos ang episode ang mga lolo at lola na nag-viral online dahil sa kanilang TikTok videos. Habang naka-social distancing ang tatlong anchor at nakatakdang sabihin ang kanilang closing spiels, hinamon ni Jessica ang dalawang kasama na mag-TikTok moves din.

“Oh ano? Kakasa ba tayo? Para naman sa mga medical frontliner ito,” sambit ni Jessica na hindi na rin bago sa pagti-TikTok dahil sa kanyang top-rater na magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho, ay ilang beses na rin siyang kumasa sa TikTok challenges.

Kahit nahihiya sina Vicky at Atom, sumabak na rin sila sa pagsasayaw kahit walang music. Si Atom, hindi mapigilan ang matawa sa ginawa nilang tatlo. Pero para daw sa medical frontliners ang TikTok na iyon kaya naman game pa rin sila kahit di eksperto sa pagsasayaw.

In-upload ng Kapuso journalist din na si Mav Gonzales sa kanyang Facebook account ang nasabing video ng TikTok ng 24 Oras anchors. Sa kasalukuyan, mayroon na itong halos 20,000 views at 2,600 reeactions na karamihan ay ‘haha.’

Larawan mula sa video ng GMA News

Dumagsa naman ang papuri para sa tatlong 24 Oras anchors na kahit daw sa kabila ng sakuna, ay hindi nakalilimutang magbigay ng good vibes sa mga manonood. Hindi raw nakapagtatakang award-winning sila dahil alam nila ang tunay na diwa ng paghahatid ng serbisyong totoo.

Hindi rin nakalimutan ng iba na banggitin ang kakulitan ng Chika Minute anchor na si Iya Villania. Ito kasi ang promotor ng ilang kwelang gawain ng anchors kahit wala pa ang special coverage ng GMA News sa pandemic.

Panoorin ang TikTok video nina Atom, Jessica, at Vicky sa primetime:

24 Oras anchor Tiktok

Wala silang nagawa kasi si Ma’am Jessica Soho ang nagsabing mag-Tiktok eh hahaha

Posted by Mav Gonzales on Thursday, April 23, 2020

Source :

Facebook, YouTube

Loading…