Nakapagsuot ka na ba ng “paste mask” at nakasunod sa “carpio hour”?

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang maling baybay ng mga salitang face mask at curfew 
  • “Paste mask” kasi ang nakalagay sa isang karatula sa halip na “face mask”
  • Sa isang larawan naman, “carpio” ang nakasulat sa halip na “curfew”

Good vibes muna tayo!

Isa sa mga in–demand na medical gear at proteksyon na rin ng lahat laban sa posibleng pagkalat at paglaganap ng COVID–10 ang face mask. Maging iyan man ay surgical, cloth, o N95, ipinapayo na ngayon ang pagsusuot ng face mask lalo na kung lalabas ng bahay upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang isang larawan na makikita sa Facebook post ni “Jay Panti” kung saan makikita ang maling baybay o spelling ng face mask sa karatula ng isang tindahan nito sa bangketa. “Paste” kasi ang nakalagay sa karatula na isang uri ng malagkit na pandikit. Aniya, “Walang alisan sa mukha.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jay Panti/Public Domain Image

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Tapos 3 piraso for 100 pesos pa? Kaya pala medyo mahal kasi permanent na raw, hindi na matatangal sa mukha hahaha.”

“It made me laugh hahaha. Wala nang alisan pala ang face masks na ito. Sobrang paranoid magkaroon ng COVID–19 ghorl?” pabirong turan naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Siguradong safe gagamit niyan kaya lang kapag tinanggal kasama na mukha hahaha.”

Samantala, isang katulad na post naman ang makikita sa Facebook page na “Sir Pj’s Stories kung saan makikita sa larawan na mali rin ang baybay ng salitang “curfew”. Sa halip na curfew, ang baybay nito ay “carpio hours” mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga, kaugnay ng pagsunod sa enhanced community quarantine.

Narito naman ang komento ng mga netizens:

“Ayoko na sa Earth mga kumare! Hahaha. Parang pangalan lang ng beerhouse ah,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wala lang, nakaka–good vibes lang, pero sana naitatama rin ng mga nagpipicture sa halip na pagtawanan sila.”

Ang curfew ay pagtatakda ng oras sa mga tao na kinakailangang nasa loob na sila ng kani–kanilang mga bahay at hindi na naglalakad o nakatambay sa lansangan.

Imahe mula sa Facebook page na Sir Pj’s Stories/Public Domain Image

Loading…