Nakatikim ka na ba ng “rice with caramel edge”?

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang “rice with caramel edge”
  • Pinasosyal na tawag ito sa “tutong” o sunog na kanin
  • Bahagi ng kalinangan o kulturang Pilipino ang bigas bilang pangunahing pagkain

Bahagi ng hapag–kainang Pilipino ang kanin. Mula ito sa mga butil ng bigas, na masinsing ginagapas ng masisipag na mga magsasaka, mula naman sa matiyagang pagbibilad sa ilalim ng init ng araw upang maitanim ang mga palay. Hindi kumpleto ang agahan, tanghalian, at hapunan kung walang mainit at mabangong kanin.

Dahil bahagi ng ating kalinangan o kultura, maraming katawagan sa bigas. Kanin ang tawag sa Tagalog, kung ito ay luto na. Pagsasaing naman ang tawag sa proseso ng pagluluto ng bigas. Kaya naman, nagbunsod ng kaaliwan sa mga netizens ang ibinahaging Facebook post ng nagngangalang “Malika Mitchell”.

Imahe mula sa Facebook account ni Malika Mitchell

Makikita kasi sa kaniyang Facebook post ang isang larawan na nagpapakita ng “rice with caramel edge.”

In short, nasunog ang kaniyang sinaing na kanin. “Tutong” ang tawag natin  dito o nasunog na kanin. Subalit hindi ito masasayang; sa katunayan, marami sa mga Pilipino ang kumakain talaga ng tutong, lalo na kung may sabaw ang ulam.

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Uy masarap kaya ang tutong na kanin! Lalo na kapag sinigang, tinola o nilaga ang ulam. Hindi nasasayang sa atin ang tutong kaso alam natin ang hirap na sinuong ng mga magsasaka para lamang makapag–produce ng bigas,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Lagi rin akong nakakasunog ng sinaing noon. Pero noong nag–asawa ako, talagang sinikap ko na matutong huwag masunugan ng kanin. Nakakahiya kasi sa magiging asawa at biyenan ko hahaha.”

“Ang sosyal naman ng rice with caramel edge eh tutong lang iyan hahaha. Cool nito,” sabi naman ng isa.

Tutong ang tawag sa kaning nasunog. Kapag lumamig na ang kanin, tinatawag na itong bahaw. Kapag ang bahaw ay pinirito at nilagyan ng itlog, hotdog, at iba pang mga ulam na natira sa nagdaang hapunan, tinatawag na itong sinangag.

Public Domain Image

Loading…