Nanay proud sa anak na iniisip ang kapakanan ng ibang tao

  • Proud Nanay si Yolanda Verceles dahil sa kabutihang ginawa ng anak
  • Ibinili ng kanyang anak ng bigas ang bahagi ng perang natanggap mula sa scholarship program ng munisipyo
  • Magkasama nilang ipinamigay sa mga mahihirap na kapitbahay ang mga bigas

Sinasabi ng ilan na malaking impluwensya ang nagagawa ng mga magulang sa kanilang anak. Kaya’t paniguradong matutuwa nang sobra ang mga magulang kapag nakikita nilang lumaking mabait at matulungin ang kanilang mga anak.

Image by Yolanda Oribiana Verceles via Facebook

Ganyan din panigurado ang naramdaman ni Yolanda Oribia Verceles nang makita niya ang pagkukusa ng anak na si Vince na itulong na lamang ang bahagi ng perang natanggap mula sa scholarship program para sa mga hindi nabigyan ng ayuda mula DSWD.

Kuwento ni Nanay Yolanda sa Facebook, nagulat siya nang sabihin ng kanyang anak na bibili ito ng bigas at ipamigay sa mga kapitbahay na hindi nakatanggap ng ayuda.

Ang perang gagamitin ng anak ay parte ng P5,000.00 na natanggap ng kanyang anak mula sa scholarship program ng munisipyo. Nasa P1,500.00 lamang ang hawak ng anak dahil ang iba ay nasa nanay.

Pagbalik ng anak, mayroon na itong dalang 25-kilo ng bigas na siya nitong hinati-hati sa tig-iisang kilo nang sa gayon ay maraming mabibigyan.

Sa isipan ng nanay, marahil ay hindi kuntento si Vince na hindi maibahagi ang biyayang natanggap.

Nagtulungan ang mag-ina sa pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap nilang kapitbahay.

Aniya, “Bilang isang ina ang ganda ng pakiramdam dahil may anak akong mabait at marunong sa kapwa, siguro kung may trabaho sya at may malaking suweldo hindi lang ito ang maibibigay niya.”

Nasabi rin ni Nanay Yolanda na nakaluluwag ng puso na makita ang saya sa mukha ng mga nakatatanggap ng biyaya lalo na kapag binabanggit ng mga ito ang katagang “Thank you at Salamat.”

Image by Yolanda Oribiana Verceles via Facebook

Bumuhos naman ang papuri sa kabutihang ng kanyang anak. Ang update ng nanay, habang ipino-post ito, ay nakaabot na ng higit 17,000 reaksyon at nasa 3,400 pagbabahagi.

Komento ng isang netizen, “Congratulations to the parents of this young man. You reared your child perfectly. God bless you young man. Your good deeds will come back to you in many ways.”

Image by Yolanda Oribiana Verceles via Facebook

Loading…