Nangunguna sa Southeast Asia: COVID-19 cases sa Singapore lumobo dahil sa 2nd wave ng infection

  • Ang Singapore ang may pinakamaraming COVID-19 cases sa Southeast Asia
  • Mahigit 70% ng kaso ay mga migrant workers na naninirahan sa mga siksikang dormitoryo
  • Umabot na sa 11,178 ang confirmed COVID-10 cases sa Singapore

Noong mga unang araw ng COVID-19 pandemic, pinuri ang Singapore sa maagap nitong pagkontrol sa pagkalat ng coronavirus disease, subalit ngayon ay nangunguna na ito sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng sakit na ito.

Imahe mula sa The Star

Noong Huwebes, ika-23 ng Abril, ay nakapagtala ang Singapore ng 1,037 new COVID-19 cases para sa kabuuang 11,178. Ang mahigit 900 sa mga bagong kaso nito ay mula sa mga migrant workers na naninirahan sa mga siksikang dormitoryo sa labas ng siyudad.

“Most of these cases have a mild illness and are being monitored in the community isolation facilities or general ward of our hospitals. None of them is in the intensive care unit,” ayon sa Ministry of Health.

Kung babalikan, ang muling paglobo sa bilang ng mga COVID-19 infections sa Singapore ay naiwasan umano kung agad sanang nakita ang unang paglabas ng palatandaan na magsasanhi ng 2nd wave ng infection sa hanay ng mga migrant workers.

Noong early February, ang Singapore ay may low-level outbreak ng COVID-19 na epektibo nitong nakontrol nang hindi na kinailangan pa ang ibang hakbang tulad ng pagsasara ng mga paaralan. Kasabay ng panahong iyon, isang Bangladeshi national ang nagkaroon ng sintomas ng coronavirus disease. Isa lang siya sa halos isang milyong migrant workers sa bansa.

Screenshot mula sa The Straits Times video

Ilang beses nagtungo sa clinic at hospital ang Bangladeshi ngunit palagi siyang pinauuwi sa dormitoryo kung saan sampung tao ang naninirahan sa loob ng bawat silid na may iisang palikuran at kusina. Bumisita rin siya sa Mustafa Center na tambayan ng mga migrant workers na tulad niya.

February 7 nang ma-admit siya sa ospital at kinabukasan ay nalamang COVID-19 positive siya.

Ang Bangladeshi ang kauna-unahang migrant worker na nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon, mahigit 70% ng total number ng COVID-19 cases sa Singapore ay mga migrant workers na naninirahan sa mga siksikang dormitoryo.

Imahe mula sa The Star

Loading…