Napakaraming carrots ipinamigay nang libre ng mga magsasaka sa Benguet

  • Mga magsasaka sa Benguet, ipinamigay ang kanilang mga inaning carrots
  • Nakararating ang mga libreng carrots sa La Union, Pangasinan, maging sa mga barangay sa Baguio at La Trinidad
  • Nakapamahagi sila ng pitong trak nito at iba pang gulay noong linggo

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ng mga may mabubuting kalooban habang nasa-ilalim ng enhanced community quarantine ang marami dahil sa COVID-19 pandemic.

Image by Sheila Banagui via Facebook

Kamakailan lamang, ibinigay ng maraming magsasaka sa Benguet ang kanilang mga ani para maipamahagi sa mga nangangailangan.

Sabi ni Sheila Banagui sa Facebook, nagsimula ang magandang pangyayari nang magdesisyong ang isang magsasaka na ibigay ang kanyang mga ani para sa lahat.

Tinawag siyang “COVID Carrot Man” dahil sa ayaw nitong ipaalam ang kanyang pangalan at ang kanyang kabayanihan.

Kalaunan, sinundan na rin ng marami pang magsasaka ang inisyatiba ni COVID Carrot Man.

Ani Sheila, mahirap din ang sitwasyon ng mga magsasaka pero masaya nilang ipinamigay ang ilang trak ng inaning carrot at iba pang gulay nang libre.

Dahil dito, hindi maiwasang maiyak ng netizen sa kabutihang ipinakita ng mga magsasaka.

Pahayag niya, “If you see them deeper into the eyes, you can feel their sorrow. Behind those beautiful smiles, they, too, are worried of what tomorrow might bring.”

Nabanggit sa post ng GMA News na inimbak ang mga carrot sa Episcopal Church of the Ephiphany sa La Trinidad Benguet.

Tatlong linggo na umanong ginagawa nina Shiela ang pagpapadala ng mga gulay sa kalapit-probinsya para maibahagi.

Kabilang sa mga pinadadalhan nila nang libre ang La Union, Pangasinan, manging ang mga barangay sa Baguio at La Trinidad.

Nasabi ring nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensya ng pamahalaan para sa mas maayos na distribusyon ng mga gulay.

Image by Sheila Banagui via Facebook

Ayon sa Radyo Singko 92.3 News FM, nakapamahagi na sila ng pitong trak ng carrot at iba pang gulay nitong linggo.

Binigyang-pugay naman ng marami ang kabutihan ng mga magsasaka. Habang ipino-post ito, nakakuha na ng higit 2,800 reaksyon at nasa 649 pagbabahagi ang update ni Shiela.

Komento ng isang netizen, “Upon reading this I shed tears too, because I feel their hardships of how our brothers and sisters did in tending those to grow but they just bring and give it free, I may not have partaken of it but just their kindness and generosity, l am touched. God will bless you more and more dear brothers and sisters in Christ.”

Image by Sheila Banagui via Facebook

Loading…